TWENTY-EIGHT

2.5K 39 0
                                    

- Amor -

UMAGA na ng magising ako. Ramdam ko pa rin ang hapdi at sakit sa aking pulsohan at braso. Nangangawit na rin ito.

Napatingala ako ng hindi ko maibaba ang aking kanang kamay.
Malakas na tumunog ang chain handcuff na nakasuot sa akin at sa isang malaking bakal.

Sumibol ang sobrang kaba sa aking dibdib ng maalala ang nangyari. Parang gusto ng lumabas ng puso ko dahil sa bilis ng pagtibok nito.

"Help," malakas na sigaw ko habang hinihila ang kamay sa nasabing handcuff.

"Kuya," sigaw ko.

"Kuya Queven," muling sigaw ko kasabay ang malakas na pag-iyak.

"Kuya, please," napatingin ako sa aking pulsohan na dumudugo na dahil sa kakapuwersa ko sa handcuff na nasa kamay ko.

Tumayo ako upang mas mapalakas pa ang aking puwersa wala na akong pakialam kung dumugo na ng dumugo ang kamay ko ang tanging gusto ko lang makatakas na sa lugar na ito. Pilit kong tinatanggal ito sa aking kamay.

"What do you think you're doing?" his voice is full of authority but cold.

"Kuya Quirro," lalong umalpas ang pag-iyak ko.

Nanlalaki ang mga matang lumapit siya sa akin.
Hinawakan niya ang handcuff at tinanggal ito sa akin.

Nanghihina akong napakapit sa kanya kaya ang suot niyang suit ay nalagyan na rin ng dugo ko.

May kinuha siya sa cabinet na tela at itinali iyon sa aking pulsohan.

"Kuya Quirro," naiiyak kong tawag sa kanya. Takot na takot na ako sa mga oras na ito.

"Sssshhhh," alo niya sa akin.

"Kuya, si Kuya Queven po," sumbong ko sa kapatid.

"Stop crying, Baby," para namang batang sabi niya sa akin habang pinupunasan ang mga luha kong bumabagsak sa aking pisnge.

"Kuya, umuwi na tayo natatakot ako kay Kuya Queven," wika ko pa sa kapatid.

"No," agad na sagot niya.

Sumeryuso ang kanyang mukha. Kung kanina ay may nakikita pa akong pag-aalala ngayon naging blangko na.

"K-kuya?" napahinto ako kahit ang pagtulo ng luha ko parang umatras na dahil sa takot.

Hindi ko alam pero doble doble ang bilis ng tibok ng puso ko.
Hindi dahil sa saya o kung ano pa man kun 'di dahil sa kaba. Sa inis. Sa galit. Pero mas nangingibabaw ang takot. Ang takot ko sa kanila.

Ngayon ko lang nakita ang ganitong side ng dalawa.
Their aura is terrifying. They are like a wild animals that ready to kill you at any moment.
Hindi ko alam kung bakit nila ginagawa ito, pero isa lang ang sigurado ko. Galit sila. Galit sila pero kanino? Sa akin?
Pero anong kasalanan ko? Ano ginawa kong mali?

"Why," napayuko ako.

"Why are you doing this to me?" iniangat ko ang aking ulo para makita siya.

"Ano bang kasalanan ko?"

"Ano bang pagkakamali ko?"

"Ano bang ginawa ko sa inyo para ganitohin ako?" sunod-sunod na tanong ko sa kanya. Napapalakas na rin ang aking boses.

"Wala naman akong ginawang masama ah," my tears are falling like a falls.

Pero imbes na sagutin ang tanong ko hinila niya ang kaliwang kamaya ko at isinuot ulit ang handcuff dito.

"Kuya, ano bang ginagawa mo?" garalgal ang boses na saad ko.

He holds my jaw and whispers to me.
Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya.

TRIP TO HEAVEN 1 : UN-INNOCENT STEPSISTER ( COMPLETE )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon