TWENTY-SIX

2.4K 37 0
                                    

- Amor -

Bigla akong napaangat ng maramdaman ang paghaplos sa aking ulo.

Nakita ko ang dahan-dahang pagbaba ni mommy ng kanyang kamay.

"A-anak," mahina ang kanyang pagkasabi sapat lang iyon para marinig ko.

"Mommy gising ka na," masaya kung saad sa inang nakamulat na.

Pinindot ko ang emergency button para may magpunta ritong titingin kay mommy. Ilang minuto pa nga at may dumating ng dalawang nurse at isang doctor.

Chineck nila ang vitals ni mommy pati ang mga mata nito inilawan din.

"She's okay now, Ms. Amor. Kaylangan na lang ulit namin i-check ang kanyang ulo upang makasigurado," saad ng doctor. Tumango ako dito bilang pagsang-ayon.

"Relax for now, Mrs. Marquiz, don't think too much," ngiti ni Dr. Francisco sa aking ina.

Sumeryuso ang mukha ni mommy saka bumaling sa akin.
Nagpaalam na ang Doctor saka mga nurse.
Kumuha ako ng bulak binasa iyon at idinampi-dampi sa labi ni mommy.

Hinawakan niya ang kamay ko.

"Amor," tawag nito sa pangalan ko kahit na nanghihina siya.

"Mom, don't talk too much. Mas okay po sigurong magpahinga muna kayo bago makipag-usap sa akin," ngiti ko sa ina.

"Tatawagan ko lang po si Daddy Anthony para masabing gising na kayo," agad akong tumayo at hindi inalintana ang paghabol ng kamay ni mommy sa akin.

Tinawagan ko na si daddy Anthony at sinabing gising na ang mommy. Masaya naman ito sa narinig kaya dali-dali itong nagpatay ng tawag dahil papunta na raw siya rito.

"Mommy, papunta na raw si Daddy," masaya kong balita sa ina.

Hindi ko maintindihan ang reaksyon ng ina kung bakit ganito.

"Mom," tawag ko.

"Amor," tuloy-tuloy sa pagluha ang mga mata ni mommy.

Wala akong mabanag na saya sa mata ni mommy kun 'di lungkot at galit. Pero bakit? Kanino?

Lumapit ako sa ina upang aluin ito sa kanyang pag-iyak ng malakas na bumukas ang pintoan sa kanyang silid.

"Sweetheart," rinig naming sigaw.

Halos hingal na hingal ang daddy papalapit kay mommy.
Hinawakan nito ang kamay ng aking ina saka nag-usal ng pasasalamat sa diyos dahil gising na si mommy.

"Amor, can I talk to your mother," baling sa akin ni daddy "Privately," dadag pa nito.

Tumango ako sa ama saka lumabas na ng kuwarto.
Paglabas ko na roon na si Queven at Quirro kapwa hingal din galing sa pagtakbo. Nag mamadali rin ata silang makita si mommy na gising na.

Well, okay na rin sa akin na talagang simula ng ikasal ang mga parents namin kinilala na rin nilang tunay ina si mommy.

"Sabi ni Daddy mag-uusap daw sila," wika ko sa dalawang lalaki.

Naupo ako sa hallway chair saka tumingin sa pintoan na kanina nilabasan ko.

Siguro'y napaka seryuso ng kanilang pag-uusapan.
Inalis ko sa isipin ko 'yon at sumandal sa pader habang nakapikit.

Hindi pa rin kasi tumatawag sa akin ang dalawa kaya namimiss ko na sila. Siguro napaka busy talaga na tapusin ang trabaho para makapunta na sila rito.

Pero handa na ba akong ipakilala sila. Iniling ko ang aking ulo.
Hindi. Hindi ko dapat iniisip ang mga negatibong bagay dapat handa ako, handa akong tanggapin sila ng buong puso.

Pagmulat ko ang mukha nila Quirro ar Queven ang agad na nakita ko.

Matiim silang nakatingin sa akin na animo'y napaka laki ng kasalanan ko sa kanila.
Nag-iwas ako ng tingin sa dalawa saka tumayo na.
Walang harap-likod akong naglakad palayo sa dalawa.

Bibili muna ako ng makakain nila mommy at daddy.
Siguro may sabaw na lang para madaling malunok ng aking ina.

Agad akong napatigil sa paglalakad ng makita ang pamilyar na mukha.

"Thea Amor," wika niya sa aking pangalan.

"Da-Dastian," utal kong tanong.

Hinawakan niya ang kamay ko saka at tinanggap ko 'yon ng walang pagtutol.
I hold his hand as he holds mine.

Sa kabilang banda naman may mga paris ng mata ang nakasunod sa kanila na hindi nila nakikita.

"Tumatawag ako sa 'yo pero hindi mo sinasagot," saad niya sa seryusong tono.

"Sorry," hinging paumanhin ko "Hindi ko napansin kausap ko kasi ang mga Doctor kanina nang magising na si Mommy," wika ko pa.

Hinigpitan niya ang paghawak sa aking kamay.

"Bakit hindi mo suot ang bracelet?" tanong niya ng mapansing wala akong accessories sa aking kamay.

"Dapat ba lagi kong suot?" tanong ko.

"That's the sign that you're ours," huminto siya kaya tumingin ako sa kanya.

"Sorry again," wika ko "Hayaan mo kukunin ko sa bahay at isusuot ko na," ngiti ko sa kanya napaka seryuso kasi ng kanyang mga mata at wala akong mabanag na kahit anong emosyon mula roon.

Naglakad pa kami palabas ng ospital at nagtungo sa isang fancy restaurant.
Pagkatapos kumaen nagpunta kami sa bahay upang kunin ang bracelet na ipinasuot sa akin ni Derick noong naroon ako sa Japan.

Tamang-tama naman na may naluto ng sinigang na baboy dito dahil hindi ako nakabili ng sinabawang ulam para kila mommy.

Ibinalita ko na rin kila nanay Karmen na gising na si mommy.
Ipinakilala ko na rin si Dastian sa ale bilang aking kabiyak thought hindi lang naman siya.

Pinagbuksan ako ni Dastian ng pinto ng kanyang kotse saka nagpaalam na kay nanay Karmen na babalik na kami sa ospital.

"Kamusta na kaya ang dalawa roon," tanong ko kay Dastian.

"Sorry, natagalan ata sila," iyon lang ang sagot niya.

"Okay lang. Narito ka naman," ngiti ko sa kasama. Ngumiti rin siya sa akin.

"Nag background check ako. Hindi naman siguro masama hindi ba?" tanong niya sa akin.

But the tone sounds not comfortable.
Pero ngumiti na lang ako at tumango.
Hindi na siya muling nagsalita kaya ibinaling ko na lang rin ang tingin sa labas ng bintana.

Isang oras din ang naging byahe namin bago narating ang Sanchez Hospital.

Hinawakan ko ang kanyang kamay at iginaya siya patungo sa kuwarto na inuukupahan ng aking mga magulang.

"I'm back, Mommy, Daddy," nabungaran ko ang kambal na nakaupo sa sofa katapat ng bed ni mommy.

Agad silang napatayo na kapwa nakatingin sa kamay namin ni Dastian na magkahawak.

"Dastian?" panabay ng tatlong lalaki na kasama namin ngayon.

"Ninong," saad nito sa aking ama na ikinagulat ko.

Shocked plaster at my face while the four men looked at me in the same way.

TRIP TO HEAVEN 1 : UN-INNOCENT STEPSISTER ( COMPLETE )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon