FIFTY-ONE

1.3K 26 1
                                    

Shawarawt kay, babi Haveyoueverrealized
🫶🫶 Tenkyuu muahh muahh 🥰😘
enjoy reading.

- Amor -

Napahawak ako sa ulo ko nang makaramdam ng sakit mula roon.
Nahihilo akong napasandal sa pader habang parang lantang gulay ang katawan ko dahil sa sakit.
Para akong binugbog.

Unti-unti kong nilibot ang paningin pero medyo madilim. Ang sinag na nagmumula sa buwan na lang ang nagbibigay ng liwanag kung nasaan ako.

"Aray," inda ko ng hawakan ang aking ulo.

Napaubo rin ako dahil sa sakin ng likod at aking tiyan.
Kumapit ako sa pader saka unti-unting tumayo. Kahit masakit ang katawan ay pilit kong iginagaya ang sarili sa bintana.

Gano'n na lang ang gulat ko sa nakita kaya lumipat ulit ako ng bintana at nilibot ang tingin. Mataas ang lugar na kinalalagyan ko at hindi lang iyon. Wala akong ibang nakikitang malapit na kabahayan sa amin dahil nasa gitna kami ng dagat.

Nakatayo ang toreng ito sa isang lupain na pinalilibutan ng dagat at nag-iisa lang ito dito na para bang napabayaan na.

Napabalikwas ako ng makaramdam ng yabag mula sa likoran ko kaya sumiksik ako sa isang sulok.
Naramdamn ko pa ang pagtaas ng kadenang nakakabit sa aking paanan dahilan para sundan ng tao iyon at makita niya ako.

"Sino ka?" malakas na saad ko.

Umiling lang siya saka nag mustrang wag akong maingay.

May kinuha siyang baril sa kanyang likod at mas lumapit pa sa akin.

Hindi ko makita ang kanyang mukha dahil tanging mata lang niya ang walang takip.
He's no! She babae ang nasa harap ko.

She's wearing high black boots, black PU leather pants, and a black tube na kita ang kanyang puson.

"Sino ka?" I repeatedly asked.

Umiling lang siya at itinutok sa akin ang hawak na baril.

"Talk and your die," ramdam ko ang sarkastiko sa kanyang salita.

I felt scared when he pointed the gun at my head.

'Jusko ito na ba ang katapusan ko," wika ko sa aking isipan.

Nakatitig lang ako sa kanyang mga mata habang siya ay gano'n din.
Kung kanina takot ako dahil sa panunutok niya ng baril ngayon ay nakaramdam ako ng ibayong lukso sa aking puso.

Hindi ko alam pero para akong natutuwa na kaharap ang taong ito.
Unti-unting tumaas ang kamay ko. Nag-aalangan akong hawakan siya pero ang puso ko gustong-gusto makita ang mukha ng tao na nasa aking harapan.

"Don't," mahina pero mariin niyang saad ng malapit ko nang mailapat ang kamay ko sa kanya.

"Try to touch me. I will not hesitate to pull this trigger," anas niya kaya napakagat ako sa labi.

May ikinabit siya sa baril pero hindi ko mawari kung ano iyon.
I'm not good at guns dahil nga takot ako.

Napapikit at napatakip ako sa aking tenga ng iputok niya iyon sa kadena pero tahimik lang ang naging tunog.

"S-salamat," utal kung wika ng mag-angat ako ng tingin.

"Don't thank me. Pay me million will be," hindi ko man makita ang itsura niya ramdam kong nakangisi siya.

Tumang ako "Sige," sagot ko pa.

"Ops. Baka magkalimutan! Akin na to," sabay hablot niya ng kuwentas sa leeg  kaya napaigik ako.

TRIP TO HEAVEN 1 : UN-INNOCENT STEPSISTER ( COMPLETE )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon