FIFTY-FIVE

1K 23 0
                                    

- Amor -

Hindi ko alam kung paano kami napunta sa ganitong sitwasyon.

Sixteen years old when I fell in love and give my virginity to the man I love -- Queven.
Araw, linggo, buwan ang lumipas mas lalong lumalim ang pagtingin ko at nalunod na ako roon.
Ilang buwan lang ang itinagal nang malaman niya ang totoo na minurde-edad ako at magiging kapatid pa nila.

Parang namatay ang puso ko, para akong tinakasan ng kaluluwa noong mga panahong iyon.
Hindi alam ni Mommy at si ate Melay lang ang nakakaalam.
Si ate Melay at Cassandra lang ang naging sandalan ko sa mga nangyari.

Paano ko sasabihin sa ina ko na ang magiging kapatid ko ang lalaking mahal na mahal ko.
Kahit na stress na stress na ako sa mga nangyari ay hindi ko man lang nagawang sabihin sa ina ang lahat.

Stress, depression, hanggang sa umabot na sa anxiety na muntik ko nang ikabaliw.
Nakakatawa diba!
Hanggang sa nalaman kong buntis ako.

Walang-araw at gabi ako na umiiyak at naiisip ang mga nangyari at kahihinatnatan ko.
Nabuntis niya ako, pero paano ko sasabihin.

Kung sabihin ko ba ay pananagutan niya ako? Okay lang ba sa kanya? Mamahalin niya rin ba ako?
Paano pag nalaman ni mommy at nang ama niya matatanggap kaya nila?

Nasa gano'n akong pag-iisip ng makakita ng nagtitinda sa sa isang pasilyo -- pampalaglag.
Isang oras din siguro ako nakatitig sa bote na mayroong mga sanga saka lumapit sa nagtitinda.

Wala sila mommy, kasalukuyang nasa out of town sila ng bago kong ama. Ang mga step-brothers ko naman ay busy din sa kanilang opisana.
Sabagay hindi naman ako pinapansin ni Queven, si Quirro naman ay madalang ko ring makausap.

Habang nakatunghay sa bote umiiyak ako. Kasalanan sa itaas ang gagawin, pero naging disidido na ang isip ko.

"I'm sorry, Baby," mahinang saad ko sa sarili habang unti-unting sumasakit ang tiyan ko na para bang may lalabas na.

Maskit. Sobrang sakit. Halos maubosan ako ng hininga habang narito sa banyo ng unti-unting lumabas ang mga dugo.

Magkahalo na ang aking pawis, luha, pati na rin ang aking sipon ay tumutulo na.

Isang linggo rin akong nagkulong sa kuwarto naging karamay ko noon si ate Melay. Sinabi ko rin ang kagagahang nagawa ko at kung sino ang ama.

Wala akong nakitang galit sa mga mata niya kun'di lungkot at awa.  Wala akong narinig na sumbat sa kanya kun'di pag-alo at himig ng pag-aalala.

Sumapit ang ikalabing-walo kong edad at hindi sila nakapunta. Alam kong busy sila dahil nagkaroon ng problema sa kanilang kompanya. Naiintindihan ko 'yun pero hindi ang nakita ko sa kanilang opisina.

Para akong tangang nag hihintay habang sila nagpapakarap sa kandungan ng kanilang sekretarya.
Nagpasya ako noong ituon na lang ang sarili sa pag-aaral pero kahit anong gawin ko gabi-gabi akong binabangungot ng mga pangyayari.

Lagi akong binabalot ng kalungkotan, ng paghihirap ko, at ng sakit na hanggang ngayon naka tatak pa rin sa aking buong pagkatao.































"Mom," untag sa akin ni Thalia.

"Hmm?" baling ko sa anak.

"Do you like that? Para kanino po?"

Narito kami ngayon sa Kiddie's wear at nakahawak ako sa isang newborn clothe. Kung nabuhay kaya ang baby namin noon ni Queven malaki na rin siguro ito.

Kusang bumagsak ang luha sa mga mata ko kaya napalapit agad sa akin ang kambal.

TRIP TO HEAVEN 1 : UN-INNOCENT STEPSISTER ( COMPLETE )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon