TWENTY-FIVE

2.3K 30 0
                                    

- Amor -

Madaling araw na akong bumalik sa hospital kahit marumi ang damit ko wala na akong pakialam.

"Hija?" tawag sa akin ni daddy.

Mugto ang mga matang tumingin ako sa ama.

"Amor, what happen?" nag-aalalang tanong ni daddy.

Kumuha siya ng tissue at ipinunas iyon sa aking mukha at mga braso.

"Wala po, Daddy, okay lang ako," sagot ko sa ama.

Napahinga siya ng malalim saka tumingin sa akin "Please huwag mong pababayaan ang sarili mo. Pag may problema ka sabihin mo lang kay Daddy, I'm always here for you okay," hinimas niya ang aking ulo.

Tumango naman ako bilang sagot kaya ngumiti siya. Bumaling ako sa gawi ni Quirro at nakatingin lang siya sa akin na parang walang nangyari.

Bumukas ang pinto at pumasok si nanay Karmen dala ang isang basket at bungkos ng bulaklak.

Nakangiti siyang lumapit sa akin "Nako ang dalaga namin talagang nagdadalaga na," sabay abot niya sa akin ng iyang pumpun ng red tulips.

Agad ko 'yung inabot saka binasa ang card.

It's me Dastian.

Basa ko.
Iniabot din sa akin ni nanay Karmen ang isang bagong cellphone.
Agad ko rin naman iyong binuksan saka ginamit na, nag online na ako agad at tinawagan si Duke.

"Hi, Honey," bungad niya sa akin.

"What happen?" kita sa mukha niya ang pag-aalala.

"I'm fine," inayos ko ang sarili sa harap ng cellphone.

"I miss you, Honey," he said with a wide smile.

Napatingin ako sa ama na nakangiti lang sa akin.

"I miss you too," sagot ko.

"Dad, sa labas po muna ako," paalam ko sa ama na nag-aasikaso na para sa pagpasok.

"Sige," sagot lang niya.

Lumabas na ako at naupo sa hallway chair.

"Where's Derick?" tanong ko.

"I'm not with him, Honey, sorry," sagot niya na para bang nasa loob siya ng opisina.

"Where are you?" takang tanong ko dahil puro papel ang nasa kanyang harap.

Ngumiti siya "At the office, Hon,"

"At this time?"

"Yes," tango niya.

"Why?"

"I'm helping Derick so that we can go to the Philippines as soon because I miss you," nagpapacute na naman niyang sabi.

"Ok then. Take your time, Honey, I will wait for you and Derick here. I miss you both," ngiti ko sa kausap.

"I love you, Honey,"

"I love you too," sagot ko saka ibinaba na ang tawag.

Humarap ako sa pintoan ng kuwarto ni mommy at nakita roon si Quirro.
His eyes were full of irritation.

Tumayo na ako at pumasok sa loob. Nagpaalam ako kay nanay Karmen na siya muna ang magbantay kay mommy dahil uuwi muna ako at mangunguha ng aking damit pamalit.

Pumayag naman siya kaya umalis na rin ako.
Habang nasa byahe naaalala ko na naman ang kagabi.

Napangiti ako ng mapait.
Tapos na 'yun. Tapos na matagal na.
-
-
-
-
-
-
-
- Queven -

TRIP TO HEAVEN 1 : UN-INNOCENT STEPSISTER ( COMPLETE )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon