CHAPTER 11. (wondering at my surroundings)

478 27 1
                                    

Xyrine/Lor's P.O.V.



Hindi ko na alam ang nangyayari, basta nagising na lang akong kakaiba ang paligid ko. Tsaka paano ako naka punta dito, eh ang alam ko pinag sasamantalahan ako nu'n tas nawalan ako ng malay, pag gising ko nasa school na ako.


Tsaka yung mga estudyante. Kapag dadaan ako kusa silang tatabi na animo'y natatakot na masagi o malapit sa akin, tsaka yung tingin nila saakin na parang natatakot yung iba nga hindi na maka tingin sa akin.


Tas pag mag tatanong ako, nauutal-utal sila, yung iba hindi na nag sasalita at tinuturo na lang nila gamit hintuturo.Normal lang naman sa mga teachers. Hindi naman sila natatakot kapag kaharap ako hindi tulad ng mga estudyante.Pati na din yung mga Royalties pwera na lang kay Prince Wallen. Lagi pa nga siyang naka ngisi saakin.


Alam ko din na siya ang may pakana nung muntikan na akong mamatay dahil sa lalaking inutusan niya na si G.U.N.


At isang linggo na ang nakalipas, may kaibigan akong nerd na nagsasabi na tinulungan ko daw siya sa mga bullies niya, eh wala naman akong natatandaan na tinulungan ko siya. Kaya ayun, kinukulit ako ng kinukulit na maging magkaibigan daw kami, kaya pumayag na lang ako. Mabait naman siya, pala-ngiti, gwapings din siya pag inayusan.



KASALUKUYAN akong nag lalakad sa hallway, naka tingin lang ako sa sahig nang may pares ng paa ang nasa harap ko kaya napa angat ako ng tingin.Pagkatingin ko...



"Gian!" masayang saad ko. Siya yung nerd na tinulungan ko daw 'kuno'.Naka ngiti itong abot tenga.


'Kala mo wala nang bukas eh.' isa kong isip.



'Tumahimik ka nga diyan.' my other isip.


"Arc... Let's have a lunch together?" pag aaya niya.Well, papunta na kasi akong cafeteria.


"Tara!" saad ko at inakbayan siya.


Naglalakad kami nang biglang mag bulungan sa paligid.


'Bakit ngayun naka ngiti na siya?' -girl 1.


'Oo nga, hindi na siya tulad nung unang pasok niya dito.' -girl2.


'Something's strange.' -girl 3.


Hindi ko alam, pero kusang gumalaw ang katawan ko.Ang kaninang masaya kong mukha ay napalitan ng cold look sabay lapit sa mga nag bubulungan tungkol saakin.


Nagtataka ako at sinusubukan kong pigilan ang sarili ko pero parang may nag ko-control sa akin at napakalakas ng enerhiya na ito.


Ramdam ko at kita ko ang takot nila nang lapitan ko sila, ganun parin ang emosyon ko. Cold."Who are you to talk about me in my back?" I saidly cold.


No, hindi yun yung sasabihin ko dapat. Bakit nag kakaganto?


'Just relax. Let me control your body for a seconds. I'm Siren and you're my master.' biglaang may bumulong sa kabila kong tenga, napa sulyap ako sa gilid kung saan doon may bumulong saakin pero wala.


Boses babae siya kaya alam kong babae siya.Hinarap ko ulit ang babae at mag te-thank you na sana ng...


"I should punish you three for gossiping around," I said coldly pero I swear si Siren ang nag ko-control saakin.


'Siren, please stop. Wag mo na silang pansinin.' pakikipag usap ko kay Siren pero hindi siya nakinig.


"N-no please... W-we're sorry. Hindi n-na n-namin u-uul-litin." natatakot at naiiyak na saad ng babaeng nasa gitna lumuhod pa ito sa harap ko nakarinig ako ng pag singhapan. May mga taong nanonood na pala saamin.


Napansin ko ding nanginginig siya sa takot. Papatayuin ko na sana siya pero ayaw gumalaw ng katawan ko. Sinubukan ko ulit pero ayaw talaga.


'Siren, kung amo mo ako, sundin mo ako!' saad ko sa kaniya.


'Sorry Master.' saad niya at maya-maya lang nako-control ko na ang katawan ko.


Tinulungan ko siyang tumayo pero ganun parin ang pinapakita kong emosyon. Baka isipin pa nilang baliw ako kung babaguhin ko agad-agad diba?


Napa singhap ulit yung iba."Don't do that again, next time." saad ko at umalis na, iniwang nakatulala yung tatlong babae.Naka ngiti akong sinalubong ni Gian.


"Kaala ko magiging amazona ka na naman eh." saad nito at pinipigilan ang ngiti.


"Sakalin kita eh." pag uusap namin habang nag lalakad.


Umorder na siya ng pagkain habang ako naka upo lang.Kanina pa ko nakakaramdam na may tumitingin saakin.Nilibot ko naman yung tingin ko, pero wala naman.Napailing-iling na lang ako at tinuon ang atensyon sa iba.



End of chapter 11.

///////////////////////

Last ko nang ud toh, may exam kami ngayon so next time ulit. Lovelotssss <3



Reincarnated as the Villain inside the NovelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon