Chapter 7

31 1 7
                                    


"'Cause, baby, I fall in love every summertime..."


I sang with the song playing on Ate's speaker here in our room while I was getting ready. Hindi ko mapigilang hindi kiligin dahil ang sakto ng kanta sa akin.


"Sana all may date, ayiee." Kanina pa ako inaasar ni Ate nang malaman niyang na inaya ako ni Tristan.


Humarap ako sa kaniya habang nagma-makeup. "Sabihan ko na ba si Kuya Zane?" I raised my brows.


Biglang sumama ang timpla ng mukha niya at umirap. Natawa ako dahil kanina pa sila may LQ at hindi nagpapansinan. Hindi ko alam kung bakit, pero mukhang PMS si Ate.


Nagmadali na ako dahil 11:30 AM na at alas dose nga kami magkikita. Nag-usap kami kanina sa call at sinabi ko na magba-bike na lang ako papunta doon, kaya hindi niya na ako kailangan sunduin. I want it to feel just like in the past, wherein we'll just meet each other there and have fun.


As usual, I dressed simple but it's cute. I partnered denim shorts with a button down yellow tank top and tied a plaid polo around my waist, and just a blue bandana for my hair that is matching my blue shorts.


"Have fun, Ja! Chika later."


Mabilis akong bumaba at kinuha na sa fridge and chocolate cake at ibang tinabi kong cookies and crinkles sa isang cute container. Nakapag paalam na naman ako kanina kila Mommy, kaya dire-diretso akong lumabas.


"Saan ka pupunta, Ja?"


Hindi ko napansin na may tao palang nakatambay sa veranda. 'Yong mag bestfriend.


"Makikipagkita lang kay Tristan," I said, not even trying to hide my smile.


Napatango-tango si Kuya, tapos biglang nalipat ang tingin sa hawak ko at nanlaki ang mata. "Sa kaniya lahat 'yan? Pahingi muna." Nagtangka siyang lumapit pero lumayo kaagad ako.


"Aalis na ako, maga-alas dose na. Bye!" Mabilis akong tumalikod.


"Is he not picking you up?"


Narinig ko pang nagtanong si Vier. Nag thumbs up na lang ako habang naglalakad papuntang garahe.


Masaya akong nag pedal habang nasa basket ang cake. Hindi naman kalayuan ang tagpuan namin, kaya maya-maya lang ay nasa tapat na ako ng isang mapunong lugar.


Malawak akong napangiti habang naglalakad papasok sa gubat-looking na place habang tinutulak ang bisikleta. Hindi naman mainit ang dapo ng araw dahil puno ng mga puno. Kanina ay kinakabahan pa ako kasi baka 'di ko na maalala 'yong daan at maligaw ako rito, pero ngayon ay may path na talaga na dadalhin ka mismo sa punong 'yon.


Nang makarating na ako ay nagulat ako. Ang ine-expect kong makita ay ang lumang tree house naming pang bata na dinaanan na ng maraming bagyo, pero halatang bago ito at 'di hamak na mas malaki at maganda.

Serenity in my Storm (GOAL DIGGERS SERIES #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon