Chapter 15

36 1 33
                                    


"Beatrice?"


Naramdaman ko kung paanong nanginig ang mga kamay ko nang malamang ang babaeng kanina ko pa kausap ay ang dating kasintahan ng manliligaw ko. Ang ex niyang nandito sa bahay nila ngayon.


Nakaakyat na siya kaya naiwan ako rito mag-isa. Hindi ako makahinga nang maayos at tila ba nangangati ang paa kong umakyat din doon at sundan siya.


Kaya iyon ang ginawa ko.


I was holding my breath the whole time I was stepping on each step until I was finally walking towards the side of Tristan's room. Bukas ang pinto kaya dahan-dahan akong sumilip hanggang makita siyang mukhang bagong ligo nga at walang pang itaas. Pero may nakabalot dito.


Si Beatrice.


She was hugging my suitor from the back, smelling him as if he was a newly picked fresh rose. And Tristan was...smiling widely too. Na para bang wala ako rito sa tapat ng pinto ng kwarto niya at pinapanood sila.


I stood there, completely frozen. They were giggling until Tristan finally looked into my direction and met my eyes. He looked so shocked.


"J-Ja."


I felt a pang in my chest as I heard him call me. He called me, but not in a sweet manner anymore. Fear was visible not just in his voice but also painted on his face. While me... I cannot think straight.


Every thought came all at once.


Is this my punishment for kissing someone behind his back? But this thought was on top of everything.


"Oh, here she is! She's the one who rang the doorbell, bab-"


Bumitaw si Tristan kay Beatrice at dali-daling lumapit sa akin pero para bang may sariling utak ang mga paa ko at tumakbo ito pababa. Tila ba sinasabi nito na hindi ko kakayanin ang gabing 'to at mas mabuti pang wala muna akong marinig. Kailangan kong huminga.


Pero pagkababa ko pa lang sa sala ay may tao nang nakatayo roon at nakatingin sa akin na para bang natutuwa ito sa nakikita.


"Oh, saan ka pupunta, Ja? Akala ko ba gusto mong makausap si Kuya?" may malawak na ngising sabi ni Isha.


"A-Anong?" Mas nahirapan akong huminga dahil sa gulat at pagtataka.


Bakit nandito si Isha? Alam niya ba lahat? Kaya ba pinapunta niya ako? Pero bakit niya ako papapuntahin kung alam niyang niloloko ako ng Kuya niya?


Naglakad siya palapit sa akin habang may maloko pa ring ekspresyon.


"Masaya ba sa pakiramdam na maagawan? Huh, Ja?"


"Huh? Isha-"


"What the hell is this, Isha?!" Nagulat ako nang marinig ang malakas at galit na boses ni Tristan sa likuran ko.

Serenity in my Storm (GOAL DIGGERS SERIES #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon