Chapter 8

39 1 25
                                    


"Oh my gosh!"


Sunod-sunod ang ingay na ginawa nina Yas dahil sa sinabi ko. Habang siya ay nakatulala lang sa akin, halatang gulat.


Natawa ako at saka lumapit sa kaniya. "Huy. Ayos ka lang?" I waved my hand in front of his face.


Nilapag niya muna ang gitara niya sa stand at humarap uli sa akin, tulala pa rin.


I saw how he swallowed hard, before holding my hands. "Ja, totoo ba?" he asked, like he really can't believe what is happening.


"Hindi. Panaginip lang talaga 'to." I joked.


Before I could say another word, he already pulled me for a hug.


"Loka, manliligaw pa lang, hindi pa tayo ha. Baka mali ka ng rinig." I tried joking again to cover up for my loud and fast heartbeats. Pakiramdam ko ay maririnig niya ito sa sobrang lakas.


"Salamat, Ja. Hindi mo alam kung ga'no ako kasaya," he whispered, before letting go of our hug. "I promise, I will prove to you that I am worthy."


Napangiti ako sa sinabi niya. I know that he can prove it to me, that's why I gave him a chance. I gave myself a chance too. To finally fall without holding onto anything. Fall straight to him.


"Dapat lang. Tinapos ko ang self-love era ko para sa 'yo." Ngisi ko.


Naging mabilis lang ang oras at gabi na naman ngayon. Panigurado ay dahil ito sa sobrang saya ko. Time really flies by so fast whenever I'm in ecstasy.


"Thank you for today. Sobrang nag-enjoy ako!" I hugged Yasmin to bid my goodbye dahil ihahatid na ako ni Tristan pauwi.


Umangkas na ulit ako kay Tristan hanggang sa maihatid niya na ako. Katulad ng dati ay nagmano uli siya kila Mommy at Daddy. Akala ko ay diretso na rin siyang aalis katulad ng sabi niya pero tumahimik ito at halatang may gustong sabihin, kaya hinintay nila ito. Kahit ako.


"Tita, Tito." He looked at my parents seriously. "Pwede ko po bang ligawan si Jaja?"


My stomach instantly flipped on what I heard. Hindi ko alam na mas may lalamang pa pala sa sayang naramdaman ko no'ng araw na ako ang tinanong niya. Mas nakakatunaw pala ng puso na siya direkta ang nagtatanong sa mga magulang ko.


Tumingin ako kay Mommy na nanlalaki ang mata at si Daddy naman na nakataas ang kilay at halatang nagulat din pero maya-maya ay sumeryoso ito. Napalingon ako kay Tristan na halatang kinakabahan dahil sa hindi niya mapakaling kamay.


"Ayos lang sa amin kung 'yon ang gusto ng unica hija namin at kung doon siya sasaya," Dad finally replied, habang si Mommy ay akala mo ay napipi na at tumango na lang sa sinabi ni Daddy.


"Sa totoo lang, Mommy at Daddy... Pumayag na po ako." I pressed my lips together, shy.


Serenity in my Storm (GOAL DIGGERS SERIES #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon