Chapter 18

31 1 24
                                    


"What's that?"


Pinakita ko kay Vier na siyang kakapasok lang dito sa kwarto ang nakita kong summer bucket list ko habang naglilinis ako ng kwarto kanina. Panibagong araw na ngayon at pagkatapos ng kasal kahapon ay pumunta lang kami sa farm resort tapos kasabay na namin pauwi sila Mommy.


"Loka, nakalimutan ko may ganito nga pala ako! I don't even remember how to plan and follow lists now, when I used to do that everyday for years." I chuckled.


"Can I sit?" Tumango ako kaya umupo siya sa tabi ko dito sa kama. "Why? Are you the super organised type?"


"Super! Ococ ako dati, like I used to believe that whenever I go sponty something will go wrong with my day. Pero ngayon, para akong nagbago nang 350 degrees!"


Natawa siya. "Is it a bad thing?"


"Well, actually no. Kasi it's not so bad to go with the flow pala. Ang sarap sa pakiramdam!" I admitted what I realized and learned from my experiences here in the province. "But I do hope na makumpleto ko 'tong summer bucket list ko. Apat na lang naman. Kaso parang malapit na ang tag-ulan kaya hindi ako sure sa iba."


"Let me see."


Kinuha niya sa akin ang list at binasa niya ito. Pinanood ko naman siya at napapangiti ito. Ang gwapo ng loko! Kaya I love you unconditionally eh! Chz!


Speaking of my performance sa kasal kahapon, it felt really good to somehow put my words out there, kahit pa through a song. And kahit pa hindi niya alam na para sa kaniya. I really mean everything I sang, kasi sa bawat araw na dumaan simula noong gabing 'yon, I just got more clear with myself. With how I truly feel, and whom I am feeling that love to.


At sa kaniya 'yon.


At patungkol naman sa kanila Tristan at Beatrice na nandoon, they actually approached to talk to me but I refused dahil alam ko sa sarili kong hindi pa ako handa.


Hindi dahil galit na galit ako sa kanila, but because I might not be able to accept their side of the story well sa state ko ngayon. Nagre-reflect din naman ako these past few days at alam ko namang may rason kung bakit nila nagawa 'yon. But understanding doesn't mean justifying.


Pero one thing na sinabi sa akin ni Tristan noon na hindi ko makalimutan ay 'yong nakikita at nararamdaman niya palang si Vier talaga. And right from there, obviously in denial lang talaga ako noon because I was in a tight spot already.


But yup, I guess everything really happens for a reason. Kahit pa masakit. Because the truth will always prevail, kahit pa 'yong pinakamaliit na pagsisinungaling mo sa sarili mo. O sa puso mo.


"I'll help you finish this list or whatever you call it."


Nanlaki kaagad ang mata ko sa narinig sa kaniya.


"Ha? Weh ba?!" Hindi ko mapigilan ang ngiti ko. Niyugyog ko pa siya.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 24, 2023 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Serenity in my Storm (GOAL DIGGERS SERIES #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon