Chapter 1

96 4 80
                                    


"I feel like a failure..."


That is what I kept whispering to myself over and over today. Because I truly feel like one. Akala ko kapag dumating ang araw na 'to ay magiging okay din ako. Na mararamdaman ko rin ang kuntento sa sarili ko, sa kabila ng mga naging pagkukulang ko.


Pero hindi. Mas lumala pa ang masamang pakiramdam na ito. Lalo na no'ng tinawag ang pangalan ko, kasunod ng title na hindi ko inakalang madidikit sa akin.


Magna cum laude.


Hindi ka sapat. Bakit ba ikaw lang ang kinaya ko? I can do better than that. I knew I did better than that. But...


Maybe because, I was just mediocre. Hindi ako matalino kung walang sipag. I'm not like those other students that can be on the dean's list with just a certain amount of effort. I need to work a hundred times harder.


And I surely worked hard. Kaya bakit?


"3...2...1.."


Matipid akong ngumiti nang pinindot na ng photographer ang camera. Nang matapos na kami sa last shot ng mga ka-batch ko rito sa Arch of the Centuries, sabay-sabay naming binato ulit ang mga graduation caps sa ere.


"Congrats sa atin! Lalong-lalo na sa 'yo, Janine!" tuwang-tuwang bati ni Issa, niyayakap kami nang mahigpit. Isa siya sa mga naging karamay ko sa Nursing.


Nang mapansin niyang matamlay pa rin ako ay tumingin ito sa akin. 


"Janine, proud kami sa 'yo! You really did great. Alam mo, Summa ka talaga dapat, kaso alam mo namang may mga maduduming maglaro." She tried consoling me.


And I laughed.


"Alam mo, papaniwalain ko na lang sarili ko patungkol dyan." I joked.


"Hindi, Ja. Legit, may inggit lang talaga sa 'yo 'yon si..." biglang dagdag naman ni Jen habang nakatingin nang masama kay Olivia na isa naming kaklase. "Alam mo namang 'yong tatay no'n ang daming connection dito."


Hindi ko alam, pero gumagaan ang pakiramdam ko. Ayokong gumawa ng issue, kung sakaling totoo man 'yon. Alam kong totoo 'yon. Pero, anong magagawa ko? Sila ang may kapit, eh.


Siguro tama nga sila. I did great. I did what I could. Madumi lang talaga ang sistema. And instead of letting this kind of emotion linger through me any further, I should shake it off like I always do.


Hindi ako ang talo, kasi malinis ako. Sarili nila ang niloloko nila. As long as I knew what I deserved, sapat na siguro 'yon. Hindi ba?


Ngumiti ako sa kanilang dalawa, bago ako lumapit at yumakap. "Salamat sa inyong dalawa, huh. Hindi ko alam kung ano nang nangyari sa 'kin kung hindi ko kayo nakilala." I smiled, reminiscing about those times.


Nakipag kwentuhan lang muna ako sa saglit sa kanila bago nagpaalam na rin dahil may kaniya-kaniya rin naman kaming celebration kasama ang pamilya namin. Bukas din naman ay may batch party kami.

Serenity in my Storm (GOAL DIGGERS SERIES #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon