Chapter 10

39 1 21
                                    


"Ang ganda!"


Tanaw na tanaw na namin ang huling puting isla, kung hindi ang Puerto Galera. Mabilis lang kami kanina sa kasunod na dalawang isla pagkatapos sa Suguicay. Sa Balatasan ay may mga kamag-anak doon kaya nag kumustahan lang, pagkatapos naman ay sa Maasin.


Iyon ang isla na pagmamay-ari talaga ng pamilya namin noon pa, pero kalahati na lang ang amin ngayon dahil ang kalahati ay binigay ni Lola sa taumbayan noong termino niya para sa mga walang tirahan at lupa na mga mangyan.


"Naalala ko pa no'ng huling punta namin dito ay hindi pa ganitong kaganda rito," sabi ni Daddy, namamangha. "Parang Boracay na rin talaga, ano?"


Hindi talaga maitatanggi na halos kamukha na ng Boracay. Sa buhangin, sa tubig, sa dami ng tao, activities, sa itsura ng sidewalk, pati na rin ang mga stalls ay halos pareho na.


Hindi na kami nag swimming at napagdesisyonan nang dumiretso sa private beach house namin dito. Sumakay lang kami sa kotse dahil sinundo kami ng caretaker. Hindi naman kami nagtagal dahil hindi rin naman ito kalayuan dahil pinagawa lang din ito sa lugar na walking distance lang papunta sa main beach.


Para talaga itong bahay. Halos ka vibes din ng mansion ang itsura dahil brown ang theme at halos wood. Pero hindi ito 'sing laki ng mansion, dalawa ang palapag at may veranda lang din para tambayan. Binaba lang namin ang mga gamit at umakyat sa mga kwarto. Anim ang kwarto rito dahil pinaparentahan din ito sa mga turista. Tig dalawa lang sa isang kwarto dahil dalawa ang kama pero malaki naman kaya naman magtatabi na lang kami ni Isha habang si Ate ang sa kabila. 'Yong dalawa naman ay magkasama. Hindi ko lang sigurado kung ano ang hatian nila Tristan.


"There's a party tonight daw, girls," sabi ni Ate habang nag-uunpack.


"Weh?" Kumislap ang mata ko dahil namimiss ko na rin uminom at pumarty. Last na inom ko pa yata ay noong sa beach party. Akala ko talaga ay tatlong buwan akong hindi magwawalwal, eh!


"Baka mag-ritual ka uli, Ja, ha.." natatawang sabi ni Isha.


"Hindi na 'no! High tol naman talaga ako, masyado lang akong komportable no'ng gabing 'yon!" defensive kong sabi.


Pagkaligo ay gusto ko na sanang matulog kaso basa pa ang buhok ko kaya lumabas na lang muna ako para sa mas magandang reception dahil balak ko na mag post at saka saktong sunset din.


"Hey."


Nginitian ko si Vier na nakaupo sa labas ng veranda mag-isa. Mukhang kakaligo lang din. Umupo ako sa kahoy na bench na inuupuan niya.


"Help me choose from the pictures you took. Ang hirap mamili, ang gaganda lahat!"


Umusog ako sa tabi niya at pumili na kami sa gallery ko. May mga obvious best shots na kaya pinili ko na iyon.


"How about this one? Or the other one earlier?" I faced him, brows asking. We were so close but I didn't feel a single ounce of awkwardness, already comfortable with his presence.

Serenity in my Storm (GOAL DIGGERS SERIES #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon