Chapter 9

45 1 24
                                    


"Bye, ingat ka."


Pinanood ko kung paanong lumabas ng gate si Tristan hanggang sa makalayo at mawala na siya sa paningin ko. Hanggang ngayon ay napaka lutang pa rin ng pakiramdam ko dahil sa sinabi niya kanina.


Sa totoo lang ay gulat na gulat ako roon, kaya wala akong nasagot. Mabuti na lang talaga at iniba niya na ang topic namin at ako naman ang naging tila pipi no'ng buong oras na naglalakad kami nang magkatabi habang pabalik dito.


"Mahal niya na ako?" hindi makapaniwalang tanong ko pa rin sa sarili ko, habang nagtutuyo na ng buhok galing sa pagligo.


Ilang oras na ang nakalipas pero hindi ko pa rin alam ang tamang reaksyon ko. Halo-halong emosyon ang nararamdaman ko. Takot, saya, kilig, at kalutangan. Isa ang takot, dahil hindi ko alam kung nasa parehong lebel niya na rin ba ako. 'Yong tipong kaya ko na ring sabihin sa susunod na mahal ko na rin yata siya. 'Yong puntong nararamdaman ko na 'yong mga sinabi ni Daddy na pakiramdam ng isang taong tunay na nagmamahal.


Kasi hindi ko rin naman pwedeng lokohin ang sarili ko kung wala pa talaga, lalo na at puro maliligayang araw at sandali pa lang naman ang napagdaanan naming magkasama. Wala pa 'yong masasakit at pagkakataong susubukin talaga kami na kung malalagpasan at lalabanan namin ang mga pagsubok sa kabila ng hirap, iyon ang magkukumpirmang mahal ko na rin nga siya.


Pero tuwing iisipin ko 'yong mga pagsubok na posibleng dumating, nababawasan din naman ang takot ko. Dahil sa sarili ko, alam kong ilalaban ko. Ang natitirang takot lang sa puso ko ay ang hindi ko lubos na pagkasiguro sa parte niya. Kung kakayanin niya rin ba.


"Alam kong nabuburyo na kayo rito sa mansion, kaya naman bukas na bukas ay mag a-island hopping kayo!" sabi ni Lola habang naghahapunan kami.


Lahat naman kami ay na excite para bukas dahil sa wakas ay makakapag beach na ulit. Medyo nakaka-sad lang kasi hindi makakasama si Lola dahil sa edad. Pwede kasi siyang mahilo lalo na't bangka lang naman 'yon at mabilis ang takbo.


Kaya naman nang matapos kami kumain ay tinext ko kaagad si Isha kung kasama ba sila ng Kuya niya bukas at ang sinabi niya ay oo. Malaki naman ang gagamitin naming bangka bukas dahil amin din naman yata iyon.


Bago matulog ay inayos ko na ang isusuot ko at ang mga gamit na dadalhin ko para bukas, dahil maaga rin ang alis namin at buong araw rin siguro kaming nasa dagat kasi marami kaming pupuntahang mga isla.


At isa pa tuwang-tuwa rin naman si Viv dahil chinat ko siya at humingi ng recommended niyang isuot na outfit at pang swimming.


Kinaumagahan ay hindi na ako pumunta sa pier para sa jogging kaya sinabihan ko si Tristan para hindi niya ako hintayin doon. Nag workout na lang ako sa isang bakanteng kwarto rito sa mansion na kailan lang ay ginawa nila Kuya na parang gym, dahil lahat naman silang mga lalaki ay mahilig din magworkout.


Hindi ko nga alam kung saan nila napagkukukuha 'yong mga stationary bike, treadmill, pati 'yong mga pang weight training. Siguro ay nilambing ng mga 'to si Lola! Pero pabor din naman sa akin dahil may dalawang buwan pa naman kami rito.

Serenity in my Storm (GOAL DIGGERS SERIES #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon