Chapter 11

38 1 37
                                    


"Ate Jaja?"


Natauhan ako bigla nang makita sa harapan ko si Nathaniel. Binalikan niya pala ako.


"A-Ah, bakit?" I stuttered.


"Kain na po tayo." He smiled at me and held my right hand to guide me to the buffet.


Nagpatianod na ako sa kaniya pero binalikan ko pa rin ng tingin si Tristan na nakikipag-usap sa dalawang matanda. Naramdaman niya yata ang tingin ko kaya naman lumingon ito sa akin at binigyan ako nang tipid na ngiti.


I expected myself to be okay when I saw that smile, but my heart and mind did not cooperate. It was still beating so fast and my mind...it was scattered all over the place.


We were all eating at the same table. Sila ay busy mag kwentuhan sa mga nangyari kanina, habang ako ay tahimik na kumakain lang at paminsan minsang nakikisali sa usapan. Pabalik-balik pa rin ang tingin ko kay Tristan pero halatang lumalim ang kuwentuhan nila para mapansin pa ako nito.


I inhaled a calming breath before talking. "May babaeng vocalist pala kayo dati?"


Napatingin silang lahat sa akin at ang biglang katahimikan nila ay nagkumpirmang may kakaiba nga. Tinignan ko sila isa-isa pero umiiwas lang naman sila. Nang na kay Yas na ang mga mata ko ay nakita ko ang taranta sa mga mata niya na para bang handa na siyang magpakain sa lupa.


"Ahh, oo meron, J-Ja! Pero matagal na 'yon, last year pa naman! Hindi na big deal," mabilis niyang saad, tila natataranta.


"Bakit siya umalis sa banda?" pagtuloy ko.


"Ahh, nag migrate kasi," sagot niya ulit.


Napatango tango ako pero kahit na nasagot na ang ilang katanungang nasa isip ko ay parang may kulang pa rin. Hindi ko alam kung ako lang ba talaga ang may problema, dahil sa utak kong sobra mag-isip. O dahil hindi ako manhid para hindi maramdaman na may rason pa sa likod ng mga reaksyon nila..lalo na niya, sa pagkabanggit sa dati nilang ka-banda.


"Ano pala name niya?" Hindi ko pa pala natatanong.


Kumunot ang noo ko nang matigilan si Yas, tila nagda-dalawang isip kung dapat niya bang sabihin.


Bakit naman? It's just a name.


"Si Ate Bea po!"


Napalingon ako sa kumakain ng dessert na si Nat. I nodded as I smiled at him.


"Ahh, wow. Ganda ng name." I tried to laugh to ease the tension dahil halos lahat sila ay masama ang tingin sa bata na para bang krimen ang pagsasabi ng pangalan nito.


Bea.


"Maraming salamat po. Happy Birthday po ulit!"

Serenity in my Storm (GOAL DIGGERS SERIES #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon