Chapter 3

71 4 47
                                    


"Ay, loka! Pak."


Kumunot ang noo nito. "Huh?"


"I mean, pak, ang ganda pala ng pangalan mo eh!" masaya kong sabi. Pero natigilan ako nang may ma-realize. "Pero, ang tinanong ko full name, 'di ba? Anong surname mo?"


Uminom muna ulit ito ng tubig at pinunasan ang noo niya.


"It's not important."


Tumaas ang kilay ko sa biglang pagse-seryoso nito. "Huh, pa'nong hindi importante?" Hindi siya sumagot at pumasok na sa loob, kaya naman sumunod ako.


He looked back at me nang mapansing nasa likod niya ako. Bumuntong hininga ito at saka ako hinarap. "I mean, it's not that important for you to know my surname."


"Importante kaya." Ngisi ko. Tumingin naman ito sa akin na parang nagtataka sa sinagot ko. "Para ma-stalk kita sa facebook." I winked at him.


Natawa ako nang tinalikuran lang ako nito at dumiretso sa kusina.


"Good morning, magagandang dilag!" bati ko kila Ate Lela. Nang kiligin naman ang mga 'to ay tuwang-tuwa ako. Ang cu-cute!


"Kyhro Javier, gusto mo ng kape?"


I can't help but giggle when I saw him crease his forehead. Iniisip na siguro nito na ang FC ko masyado. Wala, bestie ko na siya, 'di ba?!


"Ano? Yes or no?" Tinaas-baba ko ang kilay ko.


"One plain black coffee will do. Thanks." Ewan ko, pero feeling ko joker siya at natatawa na naman ako. "What's funny?" Kumunot na naman ang noo niya.


"Wala! Sige na, just wait for me sa garden... Kyhro Javier."


Hindi ko mapigilang matawa habang nagtitimpla ng iced coffee ko at ng 'black' coffee niyang bagay nga sa personality niya. Pero sa totoo lang, hindi ko maintindihan 'yong mga may gusto sa plain black na kape. Like, pa'no niyo nakakaya ang pait? Isa pang mystery sa 'kin 'yang mga may mint flavored kagaya ng ice cream.


Nang mapuno na ang brewing machine ay sinalin ko na ang black coffee sa isang tasa, at saka pinatong sa isang wooden tray kung nasaan na ang iced coffee ko at ang mga suman na binigay ni Ate Kris. Pinigilan ko talagang huminga habang hawak-hawak ito. Buti na lang at naka abot naman ako sa garden nang wala akong natatapon.


Nang matanaw ko na si Vier ay nakita ko itong may kausap sa cellphone.


"I told you, I don't want to."


Medyo nagulat ako sa tono ng boses niya at sa bahagyang lakas nito, kaya na-alog ko ang tray at medyo tumapon ang kape niya na nagdulot sa 'kin mag sabi ng 'oh my gosh', kaya nakita na ako nito.


"Leave me alone." Rinig kong huling sabi nito sa kausap at mabilis na binaba ang tawag.


Serenity in my Storm (GOAL DIGGERS SERIES #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon