Chapter 5

35 1 8
                                    


Right after he said that I was left speechless. I felt a lump in my throat and I didn't know what to reply, since he might be right. That I was just guilt-tripping myself.


Buti na lang ay natauhan ako bago siya makabalik galing kusina. Tulad ng sabi ko, hindi ako natulog hanggang walang gising, kaya kaysa mag drama ay nanood na lang ako ng kdrama na trending ngayon.


I finished about three episodes bago ako naka akyat para matulog. Around 11 AM ay nagising na rin naman ako. When I went down, naabutan kong nasa sala sila Mommy, Tita, Lola, at maging sina Daddy ay naroon na.


"Good Morning po," I greeted. Humalik ako sa pinsgi nila at nang si Lola na ay tumabi ako sa kaniya at niyakap siya. "How are you, 'La?"


Binalik nito ang yakap at saka ako hinalikan sa tuktok ng ulo. "Ayos na ayos ang Lola, apo. Thank you kagabi, ha," malambing niyang bulong.


"Balita ko ay magdamag mong binantayan ang Mama."


Nalipat ang atensyon ko kila Tito. "Opo, kailangan ko pong bantayan ang BP ni Lola. Mabuti nga po ay bumalik din po sa normal no'ng madaling araw."


Nagkuwentuhan lang kami saglit at kinuwento nga ni Lola kung ano ang nangyari. Dahil nga siguro raw sa pagod niya sa pag-aasikaso ng mga tanimin at palay na inaani ngayon kaya humantong sa gano'n. At ayon, puro sermon na naman ang abot niya sa mga anak niya.


"Ayos na nga ako, mga Anak! At saka naipangako ko na sa aking amiga na pupunta ako bukas sa kaniyang handaan." Pangungumbinsi ni Lola dahil pinagbabawalan siyang pumunta ng party bukas. "Uupo lang naman kami roon, jusmiyo. Kung paririto lang ulit ako buong maghapon ay baka mas mapadali pa ang buhay ko."


Bandang huli ay wala ng nagawa sila Daddy, kaya pumayag na rin naman sila. Sinabi ko rin naman na babantayan ko si Lola kaya hindi nila kailangan mag-alala.


Nagpaalam muna ako na kakain ng almusal kaya pumunta muna ako ng dining. Kukuha pa lang sana ako ng plato nang makita kong sumunod pala si Mommy. Nginitian ko ito.


"Anak." She looked at me with concern. "I just want to apologize about last night.." Natigilan ako. "If there's anyway na nasaktan kita, I'm sorry. Nagpanic lang talaga ang Mommy."


Pinatong ko muna ang plato bago ko niyakap si Mommy. "Okay lang, Mi. I'm sorry din if hindi ako nakapag paalam. I'm really glad na na-contact niyo si Isha. Bukas ay papasalamatan ko siya."


Ngayon ko lang na-realize na hindi ko pala siya nakausap kagabi dahil nagmadali akong hanapin si Lola.


I smiled to myself while eating alone again, at this very long wooden table. Grabe, ibang-iba ang pakiramdam ko ngayon sa parehong sitwasyon, kumpara kagabi. I guess, I was really guilt-tripping myself, like he said, kaya I felt that awful.


"Can I join you?"


Speaking of the devil.

Serenity in my Storm (GOAL DIGGERS SERIES #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon