Kabanata 3

528 15 0
                                    


BUKAS na ang kasal at hindi na makapaghintay ang mga magulang nina Mari na matapos na ito. Bukas ay magiging opisyal ng Mrs. Marabella Delavin Wintersmith ang ate niya na siyang pinapangarap ng mga ito. At ang pinagtataka niya ay sa halos isang buwan na preparasyon ng kasal , kailanman ay hindi niya nakita ang mapapangasawa ng ate niya. Nagpapadala lang ito ng mga tao na siyang tutulong sa mga kakailanganin pa para sa kasal.

"I can't wait to see you in your wedding dress hija. I'm sure maiinggit nito ang aking mga amiga dahil ikakasal ang aking anak sa isang Wintersmith." Hindi maitago ang kasiyahan sa mga mata ng kanilang Mommy ng sabihin nito iyon.

Nanananghalian sila ngayon at magkakasalo sa hapag. Tipid lang na ngumiti ang ate niya sa sinabi ng ina.

"Any updates about Lorenzo? Pupunta paba yon dito o sa simbahan nalang tayo magkikita kita?" Tanong ng daddy nila.

Tumikhim si Mara at nilunok muna ang kinakain bago sumagot.
"Yes dad. Yun po ang sabi sakin ng secretary niya. 10 am sharp magsisimula ang kasal so we have to be there before it starts. "

"that's why you need to sleep early mamaya hija, para fresh na fresh ka sa araw ng kasal mo." Anang mommy nila.

"Alright Mom. "

" If you want, you can come with me. Magpapa facial ako at spa para naman fresh tayo bukas. Don't worry, uuwi tayo before seven in the evening. Makakapagpahinga kana non onwards. "

"I'm okay mom. Si Mari nalang po ang isama niyo."

Napatingin sa kanya ang ina at napatikhim. Tumaas pa ang isang kilay nito na para bang hindi nagustuhan ang ideya ng ate niya.

"I have a lot of paperworks ate. Kailangan kong tapusin ngayon dahil ilang araw akong di makakapunta sa shop dahil sa kasal mo." Pagtanggi niya. Hindi na niya hinintay na ang mommy niya ang tumanggi dahil baka kung ano pa ang masabi nito.

"You heard her, Mara. Hindi siya makakasama so I'm going alone."

Tahimik nalang niya na ipinagpatuloy ang pagkain. Napatingin pa sa kanya ang ate niya at tipid niya itong nginitian.

Matapos ang tanghalian ay dumeritso siya sa kanyang silid. Totoo namang marami siya gagawing trabaho pero kaya niya iyong isantabi kung talagang gusto siyang isama ng kanilang mommy, pero dahil nga ayaw naman nito, idinahilan na lamang niya iyon.

Nasa kalagitnaan na siya ng pag tatrabaho ng mag ring ang cellphone niya. Tumatawag ang best friend niyang si Natalie. Isa itong modelo na nasa hongkong ngayon dahil sa isang fashion show doon.

"Natty!!" Excited na sabi niya ng sagutin ang tawag.

"Guess what, darling" anito sa kabilang linya. Nasa boses din nito ang excitement.

"What?"

"We are officially on!" Napasigaw pa ito at kung hindi siya nagkakamali ay mukhang nagpagulong gulong na ito sa kama. Kilalang kilala na niya ang kaibigan.

Napabusangot siya ng mukha. Akala pa naman niya narito na ito sa pilipinas kaya excited ng tawagan siya.

"Who is it this time?" Walang gana niyang sagot. Hindi naman kasi ito ang unang beses na nagka boyfriend ito. Actually kaka break lang nito sa huli nitong boyfriend two months ago.

"I hate you. Hindi ka manlang masaya para sakin. I thought pa naman you are my best best of best of friends!"

"Hay naku, don't me Natalie.  let's bet that your relationship will only last for two months"

" How dare you! How could you say that to me? Mari, I am serious this time! I'm telling you. "

Natawa nalang siya sa kasiguraduhan ng boses nito.
" Fine. If you say so. So, who is the unlucky guy? "

The Substitute Bride (COMPLETED)Where stories live. Discover now