KINABUKASAN alas dies ng umaga ay dumaan nga muna sila sa bahay ng kanyang mga magulang bago niya planong pumunta sa kanyang flower farm. Kasama na nga niya ngayon si Edgardo at ang apat pa sa mga bodyguards niya.
"Manang fe!" Agad niyang niyakap ang kanyang yaya ng salubungin siya nito papasok ng bahay.
"Mabuti naman anak at nakadalaw ka. Alalang alala ako sayo." Mangiyak ngiyak itong yumakap sa kanya.
"Ayos lang ako manang. "
"Bakit ngayon ka lang? Tinatanong ko sina Ma'am Madelaine kung kamusta kana hindi naman daw nila alam."
"Nasaan po sila? Gusto ko po sana silang makausap."
"Nasa taas. Sa library."
"Sige po manang.. mamaya nalang po tayo mag usap. Kakausapin ko lang sina mommy at daddy."
Naglakad na siya paakyat ng hagdan. Tanging si Edgardo lang ang nakasunod sa kanya. Ang apat ay nagpaiwan sa baba.
Kumatok siya sa library ng tatlong beses bago niya binuksan iyon. Naroon nga ang mga magulang niya. nakaupo sa sofa at Masinsinang nag uusap.
Nabigla ang mga ito pagkakita sa kanya.
" M-mom, dad.. "
" Maribelle? " Gulat na tanong ng papa niya. Hindi makapaniwala na nasa harap siya ng mga ito ngayon.
" Oh, the bitch is here. " Sabi ng kanyang Mommy na ikinagulat niya.
Bitch? Pagkatapos ng ginawa nito sa kanya. Ang ipakasal siya kay Lorenzo ito pa ngayon ang mag ganang magalit sa kanya?
" Mom, dad.. how are you po? " Dahan dahan siyang lumapit sa mga ito. Nangangati siyang yakapin ang mga magulang pero baka siya lang ang nagagalak na nakita niya ang mga ito.
" Wow. And you have a decency to asked how we were doing?"
" Madelaine.. "
Pinaglipat lipat niya ang tingin sa dalawa. Ano na naman ba ang kasalanan niya? Bakit galit na galit sa kanya ang ina?
" No Christopher! Kung alam ko lang na traydor ang babaeng ito hindi na sana ako nag isip na ipalit siya sa anak natin! "
"m-mom, bakit po? Anong ginawa ko? You have no idea what happened to me in that house. I am here because I want to see you po. I missed you. "
" Tigilan mo ako sa kdramahan mo Mari! " Sigaw sa kanya ng mommy niya. Tumayo ito.
Nag isip siya ng maaari niyang nagawa na ikinagagalit nito pero wala siyang makuha. Dahil oo nga pala. Kahit wala siyang ginagawa ay galit parin ang mga ito sa kanya.
"Are you happy now? Na ikaw na ang asawa ni Lorenzo at hindi ang ate mo!"
There. Iyon pala ang ikinagagalit nito.
" Ano po ang masaya don mom? Hindi po ako buhay reyna sa bahay na yon! Kung alam niyo lang kung ano ang ginawa sakin ni Lorenzo! " Pumiyok ang boses niya. Wala na siyang pakialam kung naririnig ni Edgardo ang mga lumalabas sa bibig niya at magsumbong ito sa boss nito." You deserved it! Kasi mang aagaw ka! Nilagay lang kita doon pansamantala dahil hindi pa nakikita ang ate mo! Then you dared to made a deal with Lorenzo? Na ikaw nalang ang gawing asawa at hindi ang ate mo?! " Dinuro duro pa siya nito sa ulo.
"Ginawa ko yon para kay ate Mara! Because I don't want her to experienced the same way I did. That house is a hell! Bakit hindi niyo ma appreciate ang ginawa ko? "
" We didn't asked you to do that Mari. " Anang papa niya sa mababang tinig.
"So it's my fault now? Ako pa ang may kasalanan na ginawa ko yon para wala na kayong problema sa pagkakautang niyo? Para hindi na magalit saaton si Lorenzo dahil ako ang humarap sa kanya sa altar?"
![](https://img.wattpad.com/cover/332819840-288-k712348.jpg)
YOU ARE READING
The Substitute Bride (COMPLETED)
RomanceMari's sister, Mara, is set to marry her fiance, Lorenzo Wintersmith. But what if on the very day of the wedding, her sister backs out at magkakagulo ang kanilang pamilya kapag hindi ito matuloy? Can she do anything if their parents make her a subst...