"DARLING, please wake up. Nandito lang kami ng daddy at ate mo. Please fight for the two of you."Hindi alam ni Mari kung ilang oras na siyang nakatulog at ngayong nagising na ang diwa niya ay hindi naman niya magawang buksan ang mga mata. Ni maigalaw kahit manlang ang mga daliri niya.
Ilang beses na niyang narinig ang boses ng mommy at daddy niya pero hindi niya magawang gumalaw. Natatakot na siya sa maaaring nangyari sa kanya pero wala siyang magawa. Pakiramdam niya ay nasa kailaliman siya ng walang hanggan.
Bumuhos sa alaala niya ang huling pangyayari bago siya nawalan ng malay. Bumangon ang kaba sa dibdib niya ng maalala na naaksidente siya. Tumama ang ulo niya sa manibela at pinagbabaril siya ng mga kalalakihan sa kabilang sasakyan.
Naramdaman niya ang paghawak ng kung sino sa kamay niya at dinala iyon sa kung hindi siya nagkakamali ay sa labi nito.
"Hija, it's been weeks. Wag mo na kaming pag alalahanin at gumising kana diyan. You have to fight sweetheart. We are here for you. Gagawin namin ang lahat para gumaling ka. Para magising ka. So all you have to do is fight for your life." Naramdaman niya ang pagtulo ng kung ano sa kanyang kamay. At sa tono ng pananalita ng daddy niya ay mukhang umiiyak ito.
Am I dead? Where am I? Why do I only hear their voices but I don't wake up? Daddy! Mommy! I'm scared!
Gusto niyang gumalaw pero parang may kung anong nakadagan sa kanya na siyang pumipigil sa kanya. Gusto niyang imulat ang mga mata pero hindi niya kaya.
God help me! Don't take me yet. Marami pa akong gustong gawin sa buhay ko please. Gusto ko pang makasama ng matagal ang pamilya ko. Please God, I begged of you. Help me. Bigyan mo po ako ng lakas para magising ako kung bangungot man ito.
Hindi alam ni Mari na umiiyak na pala siya.
"Oh my God! Oh my God! Call the doctor! I- I saw her eyes moved. Nurse! There, there our baby, she's crying. Oh my God, she heard us Christopher! She hear us!"
Narinig nalang ni Mari ang mga ingay at mga nagkukumahog na mga tao sa paligid niya.
May isang nag bukas ng kanyang mata at parang may itinapat doon na parang flash light.
"Miss Mari? Miss Mari do you hear me? If you can hear me move your index finger." She heard a woman say.
Nasa hospital ba siya?
"Miss Mari, kung naririnig mo ako pakigalaw ng daliri niyo." Ulit ng kung sino.
Pinakiramdaman ni Mari ang sarili. She couldn't really feel anything in her body. They don't seem to function. Is she paralyzed?
Kinalma muna niya ang sarili at nag focus sa sinabi ng babae na galawin niya ang kanyang daliri. Muli niyang pinakiramdaman ang sarili at sa pagkakataong iyon ay naramdaman niya ang pag angat ng kanyang daliri.
Did I do it? Nagawa ko ba?
"Oh my goodness! Gracious Lord!" Naiiyak na sabi ng mommy niya.
"This is such a miracle." Anang isang babae.
She tried to move her fingers again and this time she was sure she did. She slowly opened her eyes. She was relieved when she was able to do so. Noong una ay pawang liwanag lang ang nakikita niya, malabong liwanag. Kinurap kurap niya ang mga mata hanggang sa magkaroon na iyon ng mga imahe ngunit malabo parin. Mariin niyang muling ipinikit iyon at nang mag mulat ay unti unti nang luminaw.
She saw her parents in that room, with two women and a man in white.
May sinasabi ang isang babae sa kanyang mga magulang pero hindi na niya iyon maintindihan. Ang tanging nasa isip niya ngayon ay nakaligtas siya sa tiyak na kamatayan.Nagising na siya. Wala na siya sa bingit ng kamatayan.
![](https://img.wattpad.com/cover/332819840-288-k712348.jpg)
YOU ARE READING
The Substitute Bride (COMPLETED)
RomanceMari's sister, Mara, is set to marry her fiance, Lorenzo Wintersmith. But what if on the very day of the wedding, her sister backs out at magkakagulo ang kanilang pamilya kapag hindi ito matuloy? Can she do anything if their parents make her a subst...