"MA'AM MARI!" Masayang sinalubong si Mari ng kanyang mga staff sa main branch ng kanyang flower shop. Sa wakas ay pinayagan na siyang lumabas ng 'asawa' niya. Yun nga lang ay may limang bodyguards ang nakabuntot sa kanya.Ang tatlo ay naiwang nagmamasid sa labas ng shop samantalang ang dalawa ay sumama sa kanya sa loob.
"Kamusta kayo guys?" Masayang tanong niya. May dala siyang box ng pizza at milk tea para sa lima niyang staff sa tindahang iyon.
"Uh.." napatingin sa mga kasama niya ang supervisor niyang si Edna. Bakas sa mukha nito ang labis na pagtataka pati na sa ibang kasamahan.
Tipid lang siyang ngumiti.
"Don't mind them. They're just here to protect me.""Protect you? Bakit po ma'am? May nangyari po kaya higit isang linggo kayong nawala?" Nag aalalang tanong ng isa niyang staff na si Milly.
Umiling lang siya sa mga ito. She doesn't want her staff to know what was really happened to her.
"I brought you snacks! Magmeryenda muna kayo at ako na muna ang gagawa ng mga bulaklak. Namiss kong mag arrange ng mga flowers ko! "Masaya namang nilantakan ng mga ito ang dala niya at nawala na sa isipan ang mga tanong o sadyang nirerespeto lang ng mga ito na ayaw na niyang sabihin ang totoo.
Halos maiyak iyak siya habang nililibot ang tingin sa shop niyang punong puno ng nag gagandahang bulaklak. Sobra niya talagang namiss ang paligid na puno nang ganito dahil iyon na ang nakasanayan niya. Plano nga niyang mag uwi mamaya ng mga bulaklak dahil kahit ni isang vase ay wala yata siyang nakita sa bahay ni Lorenzo.
May pumasok na isang binata sa shop niya. At dahil busy sa pagkain ang mga staff niya ay siya nalang sana ang haharap. Ngunit bago pa ito makalapit sa counter ay agad na itong hinarangan ng mga kasama niyang bodyguard at pinilipit ang kamay nito patalikod. Pumasok narin ang tatlo pang nasa labas.
"What are you doing?!" Bulalas na sigaw niya dahil nakaluhod na ang costumer niya habang namimilipit sa sakit.
"Bitawan niyo ako ano ba!" Sigaw ng lalaki.
Lalapit sana siya doon pero hinarangan din siya ng isa pang bodyguard.
"Bawal ho kayong lumapit, ma'am."
Nalaglag ang panga niya sa narinig.
"He is just a costumer for goodness!" Hindi napigilang sigaw niya. Naaawa narin siya sa lalaki."Let go of him! Let go of him or I will fire you all myself!" Naiirita na niyang sigaw dahil hindi siya pinakikinggan ng mga ito.
"Bibili lang ako ng bulaklak ano bang problema niyo!"
"Ikaw." Turo ng isang bodyguard kay Edna na halos naestatwa nalang dahil sa nangyari.
"Ikaw ang humarap sa lalaking ito. Bawal si ma'am lapitan ng kahit sinong lalaki.""What?!" Muling nalaglag ang panga niya sa sinabi nito.
"You're overreacting! He's just going to buy flowers!"Binitiwan na ng bodyguard ang lalaki at tumayo ito agad at galit na inayos ang nagusot na damit.
"No. I'm not going to buy here anymore! This shop is full of crazy people!" At galit na galit itong umalis.
" Call Lorenzo! " Nanggagalaiting utos niya ngunit tiningnan lang siya ng limang bodyguards.
" CALL.HIM.NOW!"Doon lamang tumalima ang isa at may i-dinial sa cellphone nito.
"Boss-"
Agad niyang inagaw ang cellphone dito.
"Fire them! Fire these incompetent bodyguards!" Nanggagalaiting sigaw niya sa kabilang linya.
"Why? What happened?"
YOU ARE READING
The Substitute Bride (COMPLETED)
RomanceMari's sister, Mara, is set to marry her fiance, Lorenzo Wintersmith. But what if on the very day of the wedding, her sister backs out at magkakagulo ang kanilang pamilya kapag hindi ito matuloy? Can she do anything if their parents make her a subst...