Kabanata 19

454 10 0
                                    


HINDI na matiis ni Mari ang tagpong nasa harapan niya kaya naman walang imik siyang naglakad papalayo sa dalawang magkayakap.

Nagkukukot ang damdamin niya habang paakyat ng hagdan dahil mukhang hindi ito paaalisin ni Lorenzo sa mansyon. What? Dito nito patitirahin ang babae habang narito rin siya na asawa? What's gotten into him? Akala ba niya okay naman sila? Bakit may ganito?

Naabutan niya si Xander sa taas. Pinagbuksan siya nito ng pinto ng masters bedroom. Tahimik lang ito at tingin niya ay pinagtatawanan na siya ng mga kasambahay ngayon. Dahil wala siyang magawa kahit harap harapan na siyang niloloko ng asawa.

Ano ngayon kung nauna na si Ingrid sa buhay ng binata? Siya ang pinakasalan! She has all the right in that house and in his life! Pero bakit pakiramdam niya ay hindi siya belong sa bahay na iyon? Bakit kahit na siya ang asawa ni Lorenzo ay mas may karapatan parin si Ingrid dito?

Hindi niya alam kung saan galing ang pagpupuyos ng galit niya. He's a jerk anyway. Ano paba ang aasahan sa lalaking yon? Sweet na sweet ito sa kanya habang may communication parin pala ito sa ex girlfriend nito.

Bumukas ang pinto at agad inirapan niya ang lalaking pumasok.

Dahan dahan itong lumapit sa kanya sa kama at bahagyang itinukod ang isang tuhod sa sahig para magpantay silang dalawa.

"Mari.."

Mari! Mari! Not baby anymore!

"What?" Galit na sinalubong niya ang nagmamakaawang titig nito.

"I'm so sorry about Ingrid."

"Sorry lang? Pagkatapos niya akong bastusin sa harapan mo sorry lang?"

Napayuko ito at pagkuway hinawakan ang dalawa niyang kamay.

"You are my wife. And no one can change that."

"Yes.. and she is the one you love." Mapait na sabi niya. Mas lalo pang umasim ang sikmura niya na hindi manlang nito itinanggi iyon.

"I'll explain to you everything. But let me handle her for now please. I need your understanding here baby. "

"Explain to me everything now so I can understand you. You let her kissed you in front of me!" Tumayo siya at iniwas ang mga kamay dito. Napatayo narin ito.

"Nabigla lang ako ng makita siya. I did not expected her to be here. We have no communications since I got married to you and I never heard about her after then."

"did she know that you got married?"

" Y-yes." Kita niya ang pag atubili nito sa pagsagot.

"And yet she acted like you're not a married man? Kissing you and hugging you in front of your wife? And you also did not do anything about it. Looks like you missed her so much too that even a marriage did not stop you. "

"Mari please not now. Magulo din ang isip ko. Let me fix this first, okay?"

" Magulo? Bakit? Are you confused about who to choose between the two of us? " "

Napahilamos sa sariling palad ang asawa niya. Nasasaktan siya sa nakikitang frustration sa mukha nito.

Why does it have to be confusing? She is the wife, it is natural that he will choose her. It's that simple, right?

"Give me time, please. I'll fix everything, I promise. Just have patience with me baby. I need you." Lumapit ito sa kanya at mahigpit siyang niyakap at hinalikan ang gilid ng ulo niya.

He needs her. Not loves her. Naguguluhan ito dahil siya ang kailangan pero si Ingrid ang mahal.

Nagpaalam ito sa kanya na lalabas sandali at mag uusap lang at si Ingrid. Kahit na ayaw niyang magkasama ang dalawa ay wala naman siyang magagawa.

The Substitute Bride (COMPLETED)Where stories live. Discover now