A/N: WARNING MATURE CONTENT R-18
PINAGMASDAN ni Mari ang mukha sa harap ng salamin. Kakatapos lang niyang magbihis sa damit na binigay sa kanya ni Lorenzo kanina. Hanggang ngayon ay di parin mawala wala ang takot niya dahil sa nangyari. Muntik na siyang gahasin ng lalaking yon! Tiningnan niya ng bahagya ang leeg kung saan marahas siyang pinaghahalikan ng lalaki. Medyo namumula iyon. Hindi maiwasang magsitayuan ang kanyang mga balahibo ng muling dumaan sa isipan niya ang tagpong yon. Agad niyang ipinilig ang ulo para mawala iyon sa isipan niya. Wag niya lang sigurong gagalitin ang lalaking yon para walang maging problema.
Paglabas niya ng banyo ay may katulong na naghihintay sa kanya sa loob ng kwarto.
"Uh.."
"Pinapatawag napo kayo ni sir Lorenzo ma'am. Kakain nadaw po." Nakayukong sabi nito. Ni hindi makatingin sa kanya ng maayos.
"Ahh.. sige po ate...?" sadyang binitin niya ang sasabihin para magpakilala ito.
"Lourdes ma'am. Lourdes po ang pangalan ko."
"Sige po ate Lourdes. Susunod po ako." Aniya na tipid na ngumiti sa babaeng sa tingin niya ay hindi nalalayo ang edad sa kanya. Tumango ito at walang salita na umalis na ng silid.
Wala siyang ideya kung ano na ang nangyari sa reception ng kasal. Dahil matapos ang kasal kanina sa simbahan ay agad siyang dinala ni Lorenzo dito sa malaking bahay nito. Sumagi sa isip niya ang galit sa mga mata nito nang halikan siya nito kanina sa simbahan. Halos hindi na niya maramdaman ang kanyang labi dahil sa pamamanhid niyon dahil sa diin ng pagdampi ng labi nito. Hindi niya alam kung nahalata ng mga tao ang tensyon sa kanilang dalawa dahil wala namang eskandalong ginawa si Lorenzo sa simbahan.
Naglakad siya papalapit sa pinto at dahan dahang pinihit ang seradura nito. Maingat niyang inilabas ang ulo sa munting siwang na binuksan niya at iginala ang paningin sa paligid. Napatikhim siya at napaayos ng tayo ng tumayo sa harapan niya ang isang lalaki.
Mukhang bodyguard ito dahil sa itim na suit na suot nito at sa matikas na panindigan.
Lumabas na siya ng kwarto at marami pa siyang nakitang lalaking ganon ang porma. Ano pinuno ba ni Lorenzo ng bantay ang buong bahay nito?
Kanina ay hindi niya nagawang libutin ng tingin ang kabuoan ng mansyong ito. Pero ngayong may pagkakataon siya ay halos lumuwa ang mata niya sa mga nagagandahang mwebles at mukhang mamahaling mga chandelier nang bahay na iyon. Puti ang pintura ng buong kabahayan. Nadaanan niya ang naglalakihang painting na nakasabit sa dingding sa may gilid ng hagdan. Apat ang painting na nasa loob ng mga kwadradong kahon. Dalawang lalaki at dalawang babae. Ang may katandaan nang babae at lalaki ay sa hinuha niya'y mga magulang ni Lorenzo. Samantalang ang babae ay tingin Niya'y kapatid nito.
"Dito po ang dining room ma'am." Sabi ng katulong na si Lourdes na naghihintay pala sa kanya sa puno ng hagdan.
Tumango siya at sumunod kung saan ito pupunta. Pagdating sa hapag ay naroon na nakaupo si Lorenzo sa kabisera ng mahabang mesa. Hinila nang nasa tabi nitong bodyguard ang upuan na dalawang pagitan ang layo sa kabisera. Agad naman itong bumalik sa pagkakatayo sa likuran ni Lorenzo. Tahimik siyang lumapit at umupo sa hinilang upuan habang matiim siyang pinagmamasdan ng kanyang 'asawa'.
"Your clothes and all of your things will be arriving tomorrow. Pinakuha ko pa sa mga tauhan ko sa bahay ninyo. So for now, just wear my clothes. It looks good on you though." Sinenyasan nito ang mga katulong na idulog na sa hapag ang mga pagkain at agad namang tumalima ang limang katulong na naroon.
Lihim siyang napalunok dahil kahit na mayaman sila ay hanggang dalawang katulong lang ang nag iistima sa kanila sa hapag tuwing kakain.
" Lorenzo babe! You did not invite me for dinner! " Sabi ng isang papalapit na babae. Nagtama ang tingin nilang dalawa ng lingunin niya ito. Hapit na hapit ang suot nitong gold na dress na konting konti nalang lilitaw na ang panty nito kung may suot man.
![](https://img.wattpad.com/cover/332819840-288-k712348.jpg)
YOU ARE READING
The Substitute Bride (COMPLETED)
RomanceMari's sister, Mara, is set to marry her fiance, Lorenzo Wintersmith. But what if on the very day of the wedding, her sister backs out at magkakagulo ang kanilang pamilya kapag hindi ito matuloy? Can she do anything if their parents make her a subst...