DAHAN DAHAN ang ginawang pagbangon ni Mari upang hindi magising ang lalaki sa tabi niya. Hindi niya magawang umidlip kahit pa pagod siya sa kakaiyak at maging ang katawan niya. Masakit din ang gitnang bahagi ng mga hita niya. Pero kailangan niyang bumangon dahil nakaramdam siya ng pagkaihi.Walang ingay at dahan dahan niyang hinila ang puting kumot upang ipambalot sa hubad niyang katawan. Napatingin siya sa lalaking gumahasa sa kanya. Mahimbing ang tulog nito na para bang wala itong ginawang kapangahasan. Gusto niya itong saktan sa mga oras na yon. Gusto niya itong pag susuntukin kung maari takpan niya nv unan ang mukha nito pero baka saktan na naman siya nito at yon ang ayaw niyang mangyari.
Tumayo siya at dumeritso na sa banyo. Halos hindi niya kayang tingnan ang kanyang sarili. Namamaga ang mukha, gulong gulo ang buhok. Ano itong buhay na pinasok ng mga magulang niya para sa kanya? Wala siyang ginawang masama para ganito ang sapitin niya!
Naupo na siya sa bowl at ganun nalang ang pagsinghap niya ng makaramdam ng hindi maipaliwanag na sakit sa pagkababae niya.
Lihim siyang napamura matapos makapaghugas. Muli niyang tiningnan ang sarili sa salamin at ang lagkit lagkit ng pakiramdam niya.
Hinayaan niyang malaglag ang kumot na nakabalot sa kanyang katawan. Lumapit siya sa shower at binuksan iyon. Guminhawa ang kanyang pakiramdam dahil sa maligamgam na tubig na dumaloy sa buo niyang matawan.
Gusto niya ulit maiyak sa sitwasyon niya ngayon pero wala na iyong magagawa pa. Kahit papano ay nagpapasalamat siya na siya ang narito at hindi ang ate niya. Mas hindi niya kakayanin kung ang ate Mara niya ang nakaranas ng kahayupan ni Lorenzo. Ang mabuting gawin ngayon ay huwag nalang niyang gagalitin si Lorenzo para hindi na siya nito magawan ng masama.
Matapos maligo ay binalot niya ng tuwalya na nakasabit lang sa lagayan ang kanyang katawan. Binalikan niya ang kumot at inilagay iyon sa lagayan ng mga maruming damit. Lumabas siya ng banyo at pumasok sa walk in closet at naghanap ng maaari niyang isuot. Wala naman siyang ibang maisusuot doon kundi t-shirt at boxer short ng lalaki.
Kumuha siya ng tig isa at isinuot. Ang tuwalya ay pinangpunas niya sa kanyang basang buhok.
Nang maayos ang sarili ay lumabas na siya. Bahagya pa siyang natigilan ng makitang maayos na nakaupo sa kama si Lorenzo. Mariin itong nakatitig sa kanya at bumaba ang tingin nito sa buo niyang katawan. Lalo na sa damit nitong suot nya. Hindi kita ang suot niyang boxer short dahil may kahabaan sa kanya ang damit.
Walang salita na naglakad siya palapit sa kama. Sinundan lamang siya nito ng tingin.
"You should have dry your hair." Sabi nito ng sumampa na siya sa higahaan.
"Wag na. Hindi pa naman ako matutulog. Hindi pa ako inaantok." Sagot niyang nakatalikod dito.
Narinig niya ang marahas nitong paghinga.
"Do you want something to eat?"
"I don't. Stop talking to me." Malamig na sabi niya na agad din naman niyang pinagsisihan. Baka mairita na naman ito sa kanya at kung ano na naman ang maisipang gawin.
"You are my wife."
"I'm not."
"Yes you are."
"You raped me." Gumaralgal ang kanyang tinig. Parang may nag bara sa lalamunan niya.
Hindi naman agad ito nakasagot.
"I did not raped you. You are my wife. And that's your responsibility to warm my bed."Responsibility my ass!
"You. forced. me. If I am your wife like you claimed me to be, you would have respected me."
Hindi niya namalayan ang pagtulo na naman ng kanyang mga luha.

YOU ARE READING
The Substitute Bride (COMPLETED)
RomanceMari's sister, Mara, is set to marry her fiance, Lorenzo Wintersmith. But what if on the very day of the wedding, her sister backs out at magkakagulo ang kanilang pamilya kapag hindi ito matuloy? Can she do anything if their parents make her a subst...