Kabanata 8

545 11 0
                                    


NAALIMPUNGATAN si Mari ng maramdaman ang mabigat na bagay na nakadagan sa bandang tiyan niya. Iminulat niya ang mga mata at bahagya pa siyang nagtaka na ibang kwarto ang bumungad sa kanya. Saka  palang niya naalala na nasa guest room pala siya at nakatulugan na lamang niya ang pagod sa pag aayos ng mga kagamitan sa dami na rin ng iniisip.

Bumalikwas siya ng bangon para lamang magulantang ng makita si Lorenzo na mahimbing ang pagkakatulog habang ang mga braso nito ay nakapulupot sa kanyang tiyan. Yon pala ang mabigat na nakadagan sa kanya.

Akmang tatanggalin niya ang braso nito nang mas lalo lamang humigpit iyon.

Muli niyang ibinagsak ang katawan sa kama at mariing pinagmasdan ang lalaki. Bahagya itong nakadapa at nakaharap sa gawi niya.

Akala mo kung sinong inosente kapag tulog. Bahagya pang nakakunot ang mga makakapal nitong kilay. Nakasuot na ito ng gray na tshirt at cotton short. Nanuot din sa ilong niya ang mabangong buhok nito na kung hindi siya nagkakamali ay hindi palang nagtatagal ng maligo ito. Anong oras naba?

Iginala niya ang paningin sa kabuoan ng silid at nakita niya sa labas ang papalubog nang araw. Kakauwi lang ba ng lalaking ito?

May kumatok ng tatlong beses sa pinto. Sasagot na sana siya ng bigla iyong bumukas.

Nakita niya ang agad na pagtutop ni Lourdes ng sariling bibig para pigilan ang sarili sa akmang pagsasalita.

"Bakit?" Tanong niya sa walang boses.

Sumenyas naman itong kakain na at tinanguan niya nalang ito. Nagpaalam naman itong lalabas na.

Muli siyang napatingin sa lalaki ng makalabas ang katulong. Nagdadalawang isip kung gigisingin ito o mauuna na siyang kumain.

Naisip niyang gisingin na lang ito at kung ayaw pa nitong kumain ay mauuna na lamang siya.

"Lorenzo.." bahagya niyang niyugyog ang balikat nito para magising.

Umungol lang ito at mas lalong idinikit ang katawan sa kanya. Isiniksik din nito ang mukha sa kanyang leeg.

Nahigit niya ang hininga dahil sa ginawa nito.
"Kakain na tayo.." sabi niya kahit di siya sigurado kung naririnig siya nito.

"Later.." mahinang sagot nito.

"Kung matutulog kapa mauuna na ako."

Lumipas pa ang ilang sandali bago ito nag angat ng ulo sa kanya. Nagkasalubong ang mga titig nila. Umiiwas siya ng tingin.

Napatikhim ito at dahan dahang bumangon.

"Hungry?"

"M-medyo.."

Tumango ito at umalis na ng kama. Natigilan ito ng makita ang mga gamit niya doon.

"Why did you put your things here? Sinong may sabi na dito ka matutulog?"

"Marami ang mga gamit ko. Dito ko nalang pinalagay para hindi makagulo sa mga gamit mo."

" Okay, let's go downstairs." Naglakad na ito palabas ng kwarto at siya naman ay tinatamad na tumayo at sumunod dito. Agad namang sumunod sa kanila si Edgardo na kung saan yata pumunta si Lorenzo ay nakabuntot ito kahit na nasa bahay lang.

Pagdating sa hapag ay nagsalubong ang tingin nila ni Lourdes. Agad itong napayuko.

Habang kumakain ay naisip niyang mag paalam dito na pupuntahan niya bukas ang negosyo niya. Kailangan niya ring i supervise ang mga flower shop niya.

"ahm.. Magpapaalam sana ako. "

Nag angat ito ng tingin sa kanya, bahagyang kumunot ang noo.
"You're not going anywhere."

The Substitute Bride (COMPLETED)Where stories live. Discover now