Well here is our main girl. Emma Concepcion. She has anything she can ask for the world. Mayaman ang pamilya, maganda, maraming kaibigan na nagmamahal, at siya ay may pusong mamon. Siya ay pianista ng Word Miracle Church. Hindi siya tumutugtog para sa pera, tumutugtog siya para i-share ang talento niya sa mundo na pinagkaloob ni God.
She has anything the world can offer, but what about love? Well her parents has a solution about this. It's sunday morning. Nung umaga na pagkagising niya, nagtataka siya bakit ang daming ginagawa sa bahay. Maraming nagluluto, nagpapalit ng mga kurtina at coverings ng mga furniture. Tinanong niya ang mama niya tuungkol dito.
"Ma, bakit po ata ang busy ng lahat dito?" Sabi ni Emma.
"Ah, anak. May bisita tayo. Maghanda ka na, kailangan ikaw ay-" Sabi ni Lerine, ang mama niya kaso pinutol siya ni Emma sa pagsasalita.
"Prim and proper. Yeah, yeah. I'll do it. No need to constantly remind me." Sabi ni Emma na naa-annoyed sa sinasabi ng mama niya palagi.
Kailangan umakto siya na parang prinsesa at magmukha siyang prinsesa. Para sa isang sikat na dentista sa bansa, ang mama niya ay sobrang strikto kay Emma tungkol sa ganda at ugali. Pati na rin ang ngipin niya. Si Emma ay spitting image ng ina niya. Magka-mukha talaga sila.
"Alam mo naman pala. You should try to do this. Don't speak, unless you're spoken to. Or at least introducing yourself. Just express politeness, please." Sabi ni Lerine.
"Whatever." Sabi ni Emma na binubulong.
"I can hear you. Get moving, parating na ang mga bisita!" Sabi ni Lerine.
"Alright, alright. Kalma lang." Sabi ni Emma.
Nagpunta na si Emma sa CR at naligo. Nagbihis na siya ng maayos at nagpaganda. Pakiramdam niya, para siyang isang manika na binibihisan at pinapaganda. Naisip niya kung ano kaya mangyayari kung pinanganak siya sa normal na pamilya. Pamilya na may normal na buhay, normal na kaya, at normal na mga magulang. Ano kaya ang babago sa buhay niya? Bumaba na si Emma sa sala at doon niya ang mga bisita na sinasabi ng mga magulang niya.
"Emma, say good morning sa Dela Rama family." Sabi ni Raphael, ang ama ni Emma.
"Good morning po sa inyo." Sabi ni Emma na parang masaya, pero deep inside ayaw niya ang ginagawa niya.
"Good morning iha. 'Nak, she'd make a perfect bride for you." Sabi ni Reginald sa kanyang anak na si Jonathan Rex. Si Reginald dela Rama ay isang negosyante katulad ng ama ni Emma. Sila ay mag-business partners.
"Excuse me?" Sabi ni Emma na nagtataka at naasar. Although, hindi niya ito pinahalata. Sinabi niya ito sa magalang na paraan.
"We shall discuss this matters today, Emma. This is the reason bakit sila nandito." Sabi ni Lerine.
"So, shall we all take a seat." Sabi ni Raphael. Naupo na ang pamilya dela Rama at pamilya Concepcion sa sofa nila sa sala nila. Ang laki naman ng space ng sala kasi ang bahay ni Emma ay isang mansion.
"Alright. Let's begin. Diretsuhin na natin. Si Rex at Emma ay ikakasal pagkatapos ng kolehiyo nilang dalawa." Sabi ni Maritess, ang ina ni Rex. Si Maritess ay isang prangkang babae. Ayaw niya na kung ano-ano pang intro ang kailangan gawin para sa mga bagay na pwede naman sabihin sa pinakasimpleng paraan.
"Ok. Rex, you already know about this. How do you feel about it?" Sabi ni Raphael kay Rex.
Si Jonathan Rex ay gwapo. Pagtiningnan mo, para siyang chickboy na puro babaeng magada lang ang gusto sa buhay, dahil gwapo. Maiisip mo na agad ang stereotype sa mga lalaking gwapo. Pero si Rex iba. Mahal niya na si Emma noon pa. Hindi kilala ni Emma si Rex, pero si Rex kilalang si Emma. Sa church ni Rex tumutugtog si Emma. Na-inlove na agad si Rex nung narinig niya ang unang nota na tinugtog niya sa simbahan.

BINABASA MO ANG
The Final Wish (Filipino Version)
Mystery / Thriller[COMPLETED] Emma is a pianist who suddenly fell ill. Her sickness grows worse by the day. Her final wish is to see the man she loves one last time. Her best friends, Eloisa and Rose, try to find the man she loves through the little clues they have a...