Chapter 21

387 2 0
                                        

"Victor? Anak?" Sabi ni Maritess habang sinusubukan lumapit kay Sir Diwa. Niyakap ni Maritess si Sir Diwa pero hindi binalik ni Sir Diwa ang yakap kasi naguguluhan pa rin siya sa nangyayari. Niyakap din ni Reginald si Sir Diwa dahil dun.

"Victor, ano ba nangyari sa'yo? 25 years ago, nawala ka sa amin." Sabi ni Maritess. Walang masagot si Sir Diwa kasi naguguluhan pa rin siya.

"Kung sana nakikita lang ngayon ni Rex ang kuya niya. Kung sana lang." Sabi ni Reginald.

"Iho, pasensya na. Victor kami ng Victor dito. Ano ba ang pangalan na binigay ng pamilyang kumupkop sa'yo?" Sabi ni Maritess habang pinupunasan ang luha niya.

"Jonathan Dave Diwa." Sabi ni Sir Diwa. Nagtinginan ang mag-asawa sa narinig nila.

"Ikaw! Ikaw! Ikaw!" Sabi ni Reginald na hindi masabi ang tunay niya emosyon.

"Ikaw ang boyfriend ng anak ng mga Concepcion? Nakakalito na talaga ito, dios mio!" Sabi ni Maritess. Natatawa si Maritess dahil sa kabaliwan at kalituan ng mga sitwasyon sa harapan niya.

"So ganito. Si Rex nilagay naming sa arranged marriage kay Emma para ilayo sa boyfriend niyang teacher who turns out na anak natin. Wag mo sabihin nakilala mo si Emma sa Word Miracle Church?" Sabi ni Reginald sa pagkakalito ng sitwasyon.

"Nakilala ko nga po siya sa Word Miracle Church 5 years ago." Sabi ni Sir Diwa.

"Somehow, lahat tayo bound sa simbahan na iyon. Grabe! Grabe!" Sabi ni Maritess. Pumasok ang nurse sa pintuan para papasukin ang pulis.

"Ah, Mr. Diwa. May pulis po na kakausap sa inyo kung magsasampa kayo ng kaso sa pamilya dela rama o hindi." Sabi ng nurse habang pinapapasok ang pulis.

"Nurse, wag na. No thanks. Paalisin niyo na ang pulis. Walang kasong isasampa sa pamilyang ito." Sabi ni Sir Diwa.

"Sure kayo Mr Diwa?" Sabi ng pulis.

"Sure po ako." Sabi ni Sir Diwa.

"Sige po, maalis nalang po ako." Sabi ng pulis at lumakad na siya. Pumasok na ang Nurse sa pintuan para ibigay ang resulta.

"Mr. Diwa. 3 araw na po kayo naka-confine sa ospital na ito. Salamat naman po nagising na kayo. Kailangan niyo pa po magstay dito ng 2 araw para sa paggaling ng sugat niyo." Sabi ni Nurse.

"Nurse, pasensya na. Gusto ko na ma-discharge ngayon. May klase pa ako bukas. Ayokong mahuli ang klase ko sa topic." Sabi ni Sir Diwa.

"I see, teachers' determination. Itatanong ko po muna kay Doc kung pwede iyon." Sabi ng Nurse.

"Salamat." Sabi ni Sir Diwa. Lumabas na ang Nurse sa pintuan pagkatapos nun.

"Di talaga ako makapaniwala sa nangyayari ngayon. Ang anak natin na nawawala for 25 years nagpakita sa atin." Sabi ni Maritess.

"Sa tingin ko po nagkakamali kayo." Sabi ni Sir Diwa.

"Hindi iho. Ang damit na hawak mo ay custom made yan ng isang sikat na designer. Yung nakalagay na V at D ay ibig sabihin na Victor Dela Rama." Sabi ni Reginald. Bumalik na yung nurse.

"Good news Mr. Diwa. Pwede daw po, basta iinom po kayo ng medications at mag-iingat lang po kayo." Sabi ng Nurse.

"Salamat. Pwede po ba pakitanggal ang swero sa brasong ito. Aalis na kasi ako dito." Sabi ni Sir Diwa.

"Sige po, saglit lang." Sabi ng nurse. Tinanggal na ng nurse ang lahat ng nakakabit sa kanya. Nakabangon na ulit si Sir Diwa mula sa kama at nagsuot ng normal niyang damit.

"Nurse, kami po sasagot ng bill." Sabi ni Reginald.

"Ah sige po Sir." Sabi ng nurse. Lumabas na ang Nurse sa pintuan pagkatapos nun.

The Final Wish (Filipino Version)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon