Isang buwan na mula nung araw na mamatay si Emma. Maraming nangyaring pagbabago. Maraming nangyaring masaya at malungkot. Tingnan muna natin si Sir Diwa ngayon. Binisita ni Sir Diwa ang libingan ni Emma.
"You were once, my one companion. You were all that mattered. Wishing you were somehow here again. Wishing you were somehow near. Sometimes it seemed, if I just dreamed. Somehow you would be here. Wishing I could hear your voice again, knowing that I never would. Dreaming of you won't help me to do. All that you dreamed I could. Passing bells and sculpted angels, cold and monumental. Seem for you, the wrong companion, you were warm and gentle. Di ba isa yun sa mga favorite song mo? Ngayon naintindihan ko na ang mensahe ng kantang iyon. Kinanta ko talaga iyon para sa iyo. You never heard me sing once. I dreamt of one moment where you would play the piano and I would sing while you play. Masyado akong nahihiya ipakita ang talento ko sayo. Member ako dati ng choir at ako ay isang soloist dati. Ngayon, wala na. Nagfocus na ako sa pagtuturo." Sabi ni Sir Diwa sa puntod ni Emma.
"Emma, paano ba makahanap ng babaeng tulad mo. San pa ako makakita ng kasing bait, kasing galing at kasing clumsy na babaeng tulad mo. Isang buwan na at hindi pa rin ako nakakahanap." Sabi ni Sir Diwa. Nagring yung cellphone ni Sir Diwa.
"Hello?" Sabi ni Sir Diwa.
"Uy Sir! Nasan ka na! Magsisismula na yung ceremonya wala ka parin! Kung nasan ka man, bilisan mo! Master of Ceremonies ka pa naman!" Sabi ni Sir Lopesillo.
"Ah sige sir, pupunta na ako diyan." Sabi ni Sir Diwa.
"Paalam na muna Emma. May importante pa akong kailangang puntahan. Babalik ulit ako sa susunod.
Pumunta na nga si Sir Diwa sa graduation ceremony kung saan siya ang master of ceremonies. Graduation din ito nina Eloisa at Rose. Pareho silang nag Summa Cum Laude ng batch nila. Nang matapos ang graduation, laking tuwa ang bumalot sa kanila.
"Graduate na tayo Rose!" Sabi ni Eloisa.
"Sayang, wala si Emma dito." Sabi ni Rose sa palungkot na boses.
"Kaya nga. Di bale, at least masaya na siya sa langit." Sabi ni Eloisa.
"Ano balak mong gawin ngayon?" Sabi ni Rose.
"Wala! Gusto ko lang magparty kasi Summa Cum Laude tayo!" Sabi ni Eloisa. Habang nag-uusap sila, lumapit si Sir Diwa sa kanilang dalawa.
"Congratulations sa pagiging Summa Cum Laude ng batch niyo." Sabi ni Sir Diwa.
"Salamat po sir, dito pa rin po ba kayo next year? Magtuturo po ba ulit kayo ng literature?" Sabi ni Eloisa.
"Oo. Gusto ko pa rin magturo dito." Sabi ni Sir Diwa.
"Ah ganun po ba. Sige po. Mamimiss ko po ang adventures natin." Sabi ni Rose.
"Di bale anak. Ok lang yun. Nagsusulat ako ng mga libro ngayon at nobela. Tinanggap na nga ang isa kong sinulat at mapupublish na sa Mayo. Gusto kong mapublish ito sa eksaktong araw ng Mayo 25, ang araw ng una naming pag-uusap. Ang kumpanyang tumanggap ng libro ko ay ang kumpanya ng biological parents ko. They offered me to be a board director of their publishing company, but I denied the offer. I still want to be an English professor. " Sabi ni Sir Diwa.
"Maganda po yan Sir. Bibilin po namin yung libro niyo." Sabi ni Rose. Lumapit si Sir Lopesillo sa grupo nila.
"Great job girls. Ang galing ng mga estudyante ko dati sa Environmental Science. So kamusta. Nakwento sa akin ni Sir Diwa ang mga adventures niyo last month. Wow. Not only you Generated New Knowledge, you also found some application and verified it. Now you as an investigator have developed your skills in it. Congratulations." Sabi ni Sir Lopesillo.
BINABASA MO ANG
The Final Wish (Filipino Version)
Misterio / Suspenso[COMPLETED] Emma is a pianist who suddenly fell ill. Her sickness grows worse by the day. Her final wish is to see the man she loves one last time. Her best friends, Eloisa and Rose, try to find the man she loves through the little clues they have a...