Nagising sina Eloisa at Rose sa St. Patrick's Medical Center. Nasa iisa lang silang hospital room. Magkalapit lang pati ang kama nila.
"Eloisa! Eloisa! Ano ginagawa natin dito?" Sabi ni Rose kay Eloisa na bumabangon sa kama.
"Hindi ko alam. Medyo foggy ang memorya ko. Hindi ko nga maalala yung nangyari." Sabi ni Eloisa. May narinig na usapan si Eloisa at Rose sa labas ng hospital room.
"Sir, medyo kakaiba po ang drogang nasa systems nila. Pinapag-aralan pa po namin yung side effects nung droga. Right now, parang normal naman po sila." Sabi ni Doc.
"Paanong normal?" Sabi ng kausap ni Doc.
"Ummm... Normal po yung blood pressure, heart beat, et cetera. Mabuti nalang po at nakita niyo sila. Buti nalang po at naagapan po natin yung droga, kundi namatay na po sana sila dun." Sabi ni Doc.
Nagulat sina Eloisa at Rose sa sinabi ni Doc sa kausap niya. Buti at naagapan yung droga sa systems nila, kundi namatay na sana sila.
"Oh my God! Drugs! Di naman tayo gumagamit nun ah! Pano yun pumasok sa systems natin." Sabi ni Rose.
"Di ko nga alam. Di ko nga maalala yung nangyari. saglit lang nga, makinig nga muna tayo sa usapan sa labas." Sabi ni Eloisa. At nakinig na nga ulit sina Eloisa at Rose sa usapan.
"Kaya nga po eh. Ano po bang droga yung pumasok sa system nila?" Sabi ng kausap ni Doc.
"Bago lang po ang drogang ito. Habang hindi pa po namin alam ang posibleng mangyari sa katawan ng drogang ito, binigyan nalang po namin ito ng code na SPMC45." Sabi ni Doc.
"Ah, ganun po ba. Hay nako! Yung mga batang yun talaga. Ano ba ang kanilang sinusubukan gawin? Doc, tatanungin ko muna sila." Sabi ng kausap ni Doc.
"Sige po sir, pasok na po kayo diyan." Sabi ni Doc. Pumasok na nga ang kausap ni Doc sa hospital room. Ang kausap ni Doc ay walang iba kung di si Sir Diwa.
"Sir? Ano po ginagawa niyo dito?" Sabi ni Eloisa.
"Nandito ako kasi ako ang nakakita sa inyo na nahimatay." Sabi ni Sir Diwa.
"Nahimatay? Ano po ba ang nangyari?" Sabi ni Rose.
"Hindi niyo talaga naaalala o nagsisinungaling lang kayo kasi ako ang kausap niyo?" Sabi ni Sir Diwa.
"Sir, hindi po talaga namin naalala. Bakit naman po kami magsisinungaling sa inyo?" Sabi ni Eloisa.
"Good point. Ganito ang nangyari. May kasama kayong isang babae sa isang bar. Uminom lang kayo ng beer at hinimatay na kayo. Then, tumawag ako ng ambulansya. Tapos sinabi sa akin ni Doc na may drogang nakapasok sa systems niyo. Ako ang mas naguguluhan eh! Ano ang ginagawa niyo sa bar?" Sabi ni Sir Diwa.
"Sir, di nga po namin naalala. Pasensya na." Sabi ni Eloisa.
"Ang main question, ano po ang ginagawa niyo sa bar?" Sabi ni Rose.
"Oo nga naman, Sir. Di ba dapat nagtuturo ka, hindi naglalasing." Sabi ni Eloisa.
"Gusto niyo ibalik ko sa inyo ang tanong niyo. Anong ginagawa niyo sa bar? Di ba dapat nag-aaral kayo para sa finals, hindi naglalasing." Sabi ni Sir Diwa.
"Good point, sir. Ano nga ginagawa namin sa bar." Sabi ni Rose.
"Kalma lang, Dave. Tandaan mo, nasa impluwensya sila ng drogang pumasok sa systems nila." Sabi ni Sir Diwa sa sarili niya.
Ok, ganito na lang. Kamusta ang inyong paghahanap?" Sabi ni Sir Diwa kina Eloisa at Rose.
"Paghahanap saan, sir?" Sabi ni Rose.
BINABASA MO ANG
The Final Wish (Filipino Version)
Mystery / Thriller[COMPLETED] Emma is a pianist who suddenly fell ill. Her sickness grows worse by the day. Her final wish is to see the man she loves one last time. Her best friends, Eloisa and Rose, try to find the man she loves through the little clues they have a...
