Chapter 12

292 2 0
                                    

Nagpunta na sina Eloisa, Rose, at Mateo sa bahay ng mga Concepcion. Pagkatapos ng medyo matagal-tagal na byahe ay nakarating din sila.

"Ah... Ang bahay ng mga Concepcion. Nakalimutan ko na sobrang ganda pala ng bahay na ito." Sabi ni Mateo.

"Syempre. Di ka na nagpupunta dito." Sabi ni Rose. Biglang lumabas sa gate ang kasambahay ng mga Concepcion na si Catty.

"Dali tago! Si Ate Catty lumabas ng gate." Sabi ni Eloisa. Nagtago na silang tatlo sa may halamanan sa harap ng bahay. Lumabas si Catty ng bahay para bumili ng kaunting kailangan sa bahay.

"Good. Naiwan niyang bukas yung gate. Ngayon, papasok tayo sa loob. At ito ang pinakacomplicated na parte. Ang pag-akyat sa kwarto ni Emma." Sabi ni Rose.

"Paano nga pala tayo makakarating sa kwarto?" Sabi ni Eloisa.

"Hmmm... Kung dadaan tayo sa likod bahay nilang pintuan, pwede tayo dumaan dun. Tapos mula dun, aakyat na tayo ng hagdan. At, jackpot, makakarating na tayo sa kwarto." Sabi ni Rose.

"Ang problema, papano kung naka-lock ang likod bahay." Sabi ni Eloisa.

"Good point. Or we could just do it the other way around. Walang trespassing na magaganap. Kakatok tayo sa bahay, tapos kunwari bibisitahin natin ang mga magulang ni Emma. Tapos ang isa sa atin aakyat sa kwarto tapos maghahanap ng mga clue, pero medyo mahirap ito kasi baka magsuspetsa si Mr. at Mrs. Concepcion." Sabi ni Rose.

"So, ano? Trespassing o merong komplikadong plano na kailangan pa ng diversion para ma-execute?" Sabi ni Mateo.

"I hate to say this, pero trespassing nalang. Yun nalang kasi ang mas likely pa na makakuha tayo." Sabi ni Eloisa.

"I agree." Sabi ni Mateo.

"O, tara na! Baka dumating na si Ate Catty." Sabi ni Rose. Dali-dali silang pumasok sa gate. Pumunta sila sa likod bahay para makapunta sa kwarto ni Emma.

"Ok, nandito na tayo. Ngayon, tingnan natin kung bukas ang pintuan." Sabi ni Rose. Sinubukan buksan ni Rose yung pintuan pero naka-lock ito.

"Kaasar! Naka-lock! Ngayon, paano tayo makakaakyat sa kwarto?" Sabi ni Rose.

"Di ko alam. Ikaw yung taga-plano. Taga-sunod lang kami." Sabi ni Eloisa.

"Are you guys serious?" Sabi ni Rose.

"Oo. Ikaw naman talaga nag-isip na pumunta dito at maghanap ng clues sa kwarto ni Emma." Sabi ni Mateo.

"So it seems... Ano na gagawin natin?" Sabi ni Rose. Nasa bahay si Chloe habang ginagawa nila ang kanilang 'trespassing' sa bahay. Binuksan ni Chloe yung likod bahay at nakita sina Eloisa, Rose, at Mateo.

"Ummm... Eloisa, Rose, Mateo, ano ginagawa niyo dito?" Sabi ni Chloe.

"Sino po kayo? Pano niyo po nalaman yung pangalan namin?" Sabi ni Eloisa.

"Hmmm... epekto pa rin kaya ito ng droga?" Sabi ni Chloe ng pabulong.

"Ate ako ni Emma, di ba? Nakalimutan niyo agad." Sabi ni Chloe habang sinusubukan umakto ng normal sa harapan ni Mateo. Ayaw niyang ipakita kay Mateo na may kinalaman siya sa pag-droga.

"Nakalimutan po nila kasi na-droga sila sa isang bar." Sabi ni Mateo. Naalala ni Chloe yung nangyari sa bar kahapon.

Flashback

"So, ano guys? Isa pang round?" Sabi ni Chloe.

"I don't know. Parang medyo nahihilo po ako." Sabi ni Eloisa.

The Final Wish (Filipino Version)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon