The Next Day
Habang naglalakad ang isang nurse sa labas ng hospital building ng St. Patrick Medical Center, nakita niya ang bangkay ni Rex sa labas. Napasigaw ang nurse sa nakita niya. Tumawag siya ng pulis para imbestigahan ang crime scene. Pagkadating ng pulis, naghanap sila ng clues kung sino ang pumatay. Nakita ng mga pulis ang driver's license ni Rex. Nang makita ang pangalan ni rex, hinanap ng mga pulis ang mga close relatives niya, meaning tinawagan ng pulis ang mga magulang niya para i-inform ang nangyaring pagpatay. Dali-daling pumunta ang mga magulang ni Rex sa crime scene, at nang makita nila ang bangkay, grabe ang luha na lumabas sa kanilang mata.
"Sir, ano po ang clues niyo na nahanap tungkol sa pumatay sa aming anak?" Sabi ni Reginald sa isang pulis.
"Ahm, sir, wala pa po. Ang nakita palang po namin ay siya ay namatay dahil may sumaksak sa kanya. Titingnan po namin ang security footage ng ospital para malaman kung sino ang mga huling taong nakakita sa kanya at ng mahatulan na ang may gawa." Sabi ng pulis.
"Salamat po." Sabi ni Reginald. Pumunta na ang mga pulis sa isang kwarto kung saan nandun ang mga security footage. Hinanap nila ang clip kung saan nandun si Rex. Nakita ng mga pulis ang nangyari nung gabi. Huling nakausap ni Rex sina Rose at Eloisa, kaya dali-daling hinanap ng mga pulis ang dalawang babae. Nakita ng mga pulis na papunta silang dalawa ng ospital. Pagdating ng dalawa sa ospital, nakita nila ang bangkay ni Rex.
"Oh my God! May bangkay dito!" Sabi ni Eloisa sa nakitang bangkay ni Rex.
"Hmmm... Parang kamukha ito ng fiance ni Emma." Sabi ni Rose. Biglang sumulpot ang mga pulis sa harapan nilang dalawa.
"Eloisa Acosta at Rosanna Aguinaldo, you are under arrest for the murder of Rex dela Rama." Sabi ng isang pulis.
"What? Hindi namin siya pinatay!" Sabi ni Rose. Hinalungkay ng pulis ang bag ni Rose, may nakita ang pulis ng isang kutsilyong may dugo sa bag ni Rose.
"Well, how do you explain this?" Sabi ng isang pulis.
"That is totally explainable kasi hindi yan sa akin!" Sabi ni Rose na naasar. Pinosasan ng mga pulis ang dalawa habang pumapalag pa sila.
"Yeah, yeah, tell it to the judge. Anything you say will be held against you." Sabi ng isang pulis pagkatapos silang posasan. Dinala ng mga pulis ang dalawa sa isang holding cell sa police station.
"I can't believe we got arrested for a crime we didn't commit." Sabi ni Eloisa.
"You said it. Sino ba ang naglagay ng kutsilyo sa bag ko?" Sabi ni Rose. Pagkasabi ni Rose ng mga salitang yun, binuksan na ng pulis ang holding cell.
"O, malaya na kayo." Sabi ng pulis.
"Paano?" Sabi ni Eloisa.
"Kulang yung ebidensya namin sa inyo, plus may nagpiyansa sa inyong dalawa." Sabi ng isang pulis.
"Sino?" Sabi ni Rose. Pinakita ng pulis si Mateo na kumakaway sa kanilang dalawa.
"Mateo?" Sabi ni Eloisa.
"What's up girls?" Sabi ni Mateo ng nakangiti.
"O, makakaalis na kayo dito. Labas na!" Sabi ng isang babaeng pulis na naasar.
"Ah, sige po." Sabi ni Rose. Lumabas na silang tatlo sa police station.
"Salamat sa pagpiyansa sa amin ah." Sabi ni Eloisa.
"Ok lang yun. O, ano ang sunod nating hakbang?" Sabi ni Mateo.
"Hakbang saan?" Sabi ni Eloisa.
"Hakbang sa paghahanap sa taong mahal ni Emma." Sabi ni Mateo.
BINABASA MO ANG
The Final Wish (Filipino Version)
Mystery / Thriller[COMPLETED] Emma is a pianist who suddenly fell ill. Her sickness grows worse by the day. Her final wish is to see the man she loves one last time. Her best friends, Eloisa and Rose, try to find the man she loves through the little clues they have a...
