Chapter 16

260 2 0
                                    

Author's Note: Hindi ko po alam kung paano gumagana ang sistema ng isang court trial. Please bare with me kung ano po ang pagkakamali ko sa pagset up ng court trial.

"Sa tingin niyo madali lang yun. Makapangyarihang tao ang ating mga pinag-uusapan. Kaya nila magpatahimik ng ibang tao para hindi lang sila makulong." Sabi ni Ate Jane.

"Nakikiusap po kami, Ate Jane. Magtestimonya na kayo. Para na rin po ito sa ikabubuti ng lahat. Trial na po sa isang linggo sa Muncipal Trial Court. Umaga po ito mangyayari." Sabi ni Rose. Hindi nakapagsalita si Ate Jane. Ayaw niya nang magpaulit ulit pa ng kanyang sinasabi sa dalawang babae.

"Kung ayaw niyo po ito gawin para sa ikabubuti ng lahat, gawin niyo nalang po para sa mga anak niyo." Sabi ni Eloisa. Tahimik pa rin si Ate Jane sa dalawa

"Aalis na lang po kami." Sabi ni Rose.

"Pag-iisipan ko muna." Sabi ni Ate Jane bago lumabas ang dalawa sa bahay.

"Salamat po." Sabi ni Eloisa. Lumabas na silang dalawa ni Rose sa bahay ni Ate Jane. Bago sila umalis nag-usap muna sila.

"Pagtetestimonya kaya si Ate Jane?" Sabi ni Rose.

"Hindi natin alam. Ang kailangan lang natin ay maghintay. Kahit papano ang kinabukasan natin ay nakadepende kay Ate Jane. Pag initsapuwera lang ang ating isasampa, edi makukulong din tayo, forever katulad ng sabi ni Mamang Pulis. Natatakot ako dito Rose. May mga taong naniniwala sa atin katulad ni Sir Diwa na nakakapangsuspetsa at ang papa ko na akala ko papagalita ako ng sobra." Sabi ni Eloisa.

"Kaya natin to. Ngayon, magpahinga na tayo. Wala na tayong galaw na pwedeng gawin tungkol sa true love ni Emma hanggat hindi pa malinis ang pangalan natin." Sabi ni Rose. Umalis na sina Rose at Eloisa sa bahay ni Ate Jane. Narinig ni Ate Jane ang usapan ng dalawa. Hindi na sana siya magtetestimonya, ngunit naawa siya sa masisirang kinabukasan ng mga bata pag hindi siya nagtestimonya.

Trial Day

Dumating na ang araw ng trial. Ang araw kung kailan dedepensahan na nina Eloisa at Rose ang kanilang sarili para sa krimen na hindi nila ginawa at para ipakita ang tunay na ebidensya na si Chloe ang pumatay kay Rex, at ang mag-asawang Romy at April. Nandun na sina Eloisa at Rose kasama ang kanilang lawyer na si Joseph. Andun si Sir Diwa upang panoorin kung mabibigyan ba ng hustisya ang pagkamatay ng kanyang best friend. Nag-aalala sina Eloisa at Rose kasi wala pa rin si Ate Jane sa Municipal Trial Court.

"Rose, wala pa rin si Ate Jane. Paano na? Ano na mangyayari sa atin?" Sabi ni Eloisa.

"We can't quit now. Nasa atin pa rin naman ang footage. Sapat na siguro yun. Sana. We have to use the resources that we have now. Wala tayong magagawa kung hindi siya pupunta." Sabi ni Rose. Pumunta na ang judge sa harapan.

"We shall now proceed with the trial." Sabi ng Judge. Pagkasabi palang ng judge nun, biglang dumating si Ate Jane. Lahat ng tao nakatingin sa kanya. Umupo nalang siya sa isang mauupuan korte. Nang makaupo na siya, lahat ng tao ay tumingin na sa judge.

"As I was saying, we shall now proceed with the trial. Now, we shall proceed with the trial. A week ago, Eloisa Acosta and Rosanna Aguinaldo was arrested for murders of Romy Felizar and April Masinag-Felizar. Let's here the prosecution. So they seem to have a witness named Chloe Concepcion-Doneio. Mrs. Doneio called the police about the screams she heard near the Felizar Household. When the police got to the said household, the police arrested Eloisa Acosta and Rosanna Aguinaldo for the said murders. Mrs. Doneio, please proceed to the stand to give your statement about the crime." Sabi ng judge.

"Well, your honor, I was just passing by the household when I heard the screams of Mr. and Mrs. Felizar. I was scared that the murderers might see me. That's why I immediately called the police. Luckily, the police got there in time to arrest the murderers." Sabi ni Chloe.

The Final Wish (Filipino Version)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon