Chapter 1

1K 15 0
                                    

Ang pamilya concepcion ay nasa ospital. Naghihintay sila ng resulta ng lab results tungkol sa kalagayan ni Emma. Si Emma ay anak ni Lerine Concepcion at Raphael Concepcion. Ang pamilya concepcion ay isang mayamang pamilya. Si Lerine ay isang sikat na dentista at si Raphael ay isang negosyante. Naka-confine sa ospital si Emma kasi bigla na lang siyang nakaramdam ng sakit at nanghina na ang katawan niya. Lumabas na yung doctor para sabihin sa mga magulang niya ang resulta.

"Doc, ano po ba ang sakit ng anak namin?" Sabi ni Raphael.

"Meron po siyang malalang sakit. Meron po siyang Stage 4 Pancreactic Cancer." Sabi ni Doc.

"Doc, kahit ano gawin niyo na! Walang problema ang pera, basta gamutin niyo ang anak namin" Sabi ni Lerine.

"I'm sorry. May taning na ang buhay ng anak niyo." Sabi ni Doc. Napaiyak na sina Lerine at Raphael sa balitang narinig nila. Hindi sila makapaniwala na mawawala na ang kanilang anak sa buhay nila.

"Doc, gamutin niyo ang anak ko! Alam ko may solusyon yan! Pakiusap lang po!" Sabi ni Lerine na nagmamakaawa sa doctor.

"Pasensya na po, hindi na po namin siya magagamot. Kaya lang po namin patagalin ng ilang buwan ang buhay niya, pero hindi po talaga naming siya magagamot. Kumalat na po ang cancer sa katawan niya. Kaya nalang po namin siya bigyan ng pain reliever para sa mga sakit na nararamdaman niya." Sabi ni Doc.

Umalis na si Doc at hinayaan na ang mag-asawa mag-sentimyento. Pumasok na ang mag-asawa sa hospital room ng anak nila. Kinuha talaga ng mag-asawa ang pinakamagandang kwarto sa ospital. Ayaw nila sabihin sa anak nila ang kanyang sakit, ngunit alam na ito ni Emma. Ilang buwan ng nasa ospital si Emma, di siya pumasok sa school niya ng ilang buwan. Pati yung mga schedule niya sa simbahan di niya na puntahan. Na-depress na siya sa ospital, pero hinayaan niya na lang. Gusto niya na talaga lumabas sa ospital.

"Anak, may gusto kaba gawin. Gagawin natin lahat ng gusto mo." Sabi ni Lerine.

"Sige po, ilabas niyo ako dito. Di ako makahinga ng maayos dito, para akong nakakulong." Sabi ni Emma.

"Nak, alam mo naman ang sabi ni Doc. Bawal ka umalis dito." Sabi ni Raphael.

"O sige po. At least, papuntahin niyo na lang po si Eloisa at Rose dito." Sabi ni Emma.

"Yan ang pwede namin gawin." Sabi ni Lerine. Tatawagan na sana ni Lerine sina Eloisa at Rose kaso biglang nagtrigger ang mga sintomas ng sakit ni Emma. Tinawag ni Raphael ang mga doctor para gamutin ang sintomas at nagawa nga ito ng mga doctor. Kinausap ni Doc ang mga magulang ni Emma tungkol sa sakit niya.

"Wala na po talaga kaming magagawa. Isang buwan nalang po talaga ang itatagal ng buhay niya. Kung ako sa inyo, tutuparin ko na po ang kanyang mga huling hiling." Sabi ni Doc.

Umalis na si Doc pagkatapos sabihin ang masamang balita. Napaiyak ng sobra-sobra si Lerine dahil wala na talagang solusyon sa sakit niya. Tinawagan nalang ni Lerine ang mga kaibigan ni Emma para makita niya pa ito dahil gusto niya na ito makita. Nung matawagan na ni Lerine ang mga kaibigan ni Emma, dali dali silang nagpunta sa ospital. Nung dumating na sila, parang napapaiyak na sila sa makikita nila. Nasa pintuan palang sila ng kwarto parang di nila kayang tingnan si Emma ng hindi naiiyak.

"Mga iha, gusto kayo makita ni Emma. Isang buwan nalang ang itatagal ng buhay niya, di ko nga alam kung ano ang kanyang huling hiling. Ang huling hiling niya lang ay makalabas na sa ospital, pero di naming yun pwede gawin." Sabi ni Lerine.

"Sige po, titingnan na po naming siya." Sabi ni Eloisa. Pumasok na silang dalawa sa kwarto ni Emma. Hinayaan lang ni Lerine at Raphael na mag-usap silang tatlo nang hindi naiistorbo.

"Emma, ok ka lang ba?" Sabi ni Rose

"Besides the fact na ang bigat ng katawan ko at hindi ako makabangon, oo ok lang." Sabi ni Emma.

The Final Wish (Filipino Version)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon