Chapter 15

273 2 0
                                    

"You again!" Sabi ni Sir Diwa bilang reaksyon sa pagpatay. Sa nakitang pagpatay nina Eloisa at Rose, nagtrigger yung ala-ala nila tungkol sa sinabi ni Manang Janitress. Naalala nila ang sinabi niya tungkol sa pagpatay ni Chloe kay Rex.

"Ikaw! Ikaw! Ikaw! Grabe ka! Pumatay ka na ng tatlong tao! Ano ba ang ginawa nila sa'yo?" Sabi ni Rose.

"Tatlo?" Sabi ni Sir Diwa.

"Eh kasi po, sir. Yung fiance ni Emma pinatay po ng babaeng nasa footage na ito." Sabi ni Eloisa.

"Fiance?" Sabi ni Sir Diwa.

"Sir, arranged po ito ng mga magulang niya. For business reasons po ata. I don't know. Marami pong tinatago si Emma na sikreto. Pati yung identity ng pangatlong boyfriend ay tinatago niya pa rin." Sabi ni Eloisa.

"Walang hiya itong babaeng ito! Grabe! Bakit ba siya pumatay ng tao para sa walang dahilan, tapos tayo rin ang sinisi." Sabi ni Rose.

"Easy lang. Easy lang, Rose. Kalma lang. Breathe in, breathe out." Sabi ni Eloisa.

"Ganito. Kunin na natin ang footage. Sapat na iyon na proweba. Heto." Sabi ni Sir Diwa habang inaabot ang footage.

"Salamat, Sir." Sabi ni Eloisa.

"Pano niyo pala nalaman yung tungkol sa murder nung fiance? Nakita niyo ba, o may ibang eye-witness?" Sabi ni Sir Diwa.

"May ibang eye-witness, Sir." Sabi ni Rose.

"Ok, hanapin niyo yung eye-witness na yun. Tapos ganito. Magsasampa tayo ng kaso. Maraming kaso ang pwede isampa sa kanya. Tapos sisimulan natin mula dun. Kumuha kayo ng lawyer para matapos din ito." Sabi ni Sir Diwa.

"I could get my father, but I doubt he'll like this news." Sabi ni Eloisa.

"Ok. Yun na yung mga ebidensya niyo. Yung footage at yung eye-witness. Ok, tapos." Sabi ni Sir Diwa.

"Salamat po, Sir. Tara. Labas na tayo dito. Baka makasuhan pa tayo ng trespassing." Sabi ni Eloisa. Lumabas na nga sila ng bahay pagkatapos nun.

"Alright. Good luck. You need to win this case. You can't go to jail. Kailangan niyo pa magawa ang misyon niyo kay Emma. Good day." Sabi ni Sir Diwa habang naglalakad palayo sa kanila. Nang makalayo na si Sir Diwa, dun sila naglabas ng pagdududa.

"That was..." Sabi ni Rose para dugtungan.

"Suspicious? For the first time, Rose, agree ako sa'yo." Sabi ni Eloisa.

"Oo nga eh. First, he gave us the key to Emma's locker which is against school rules. Second, he received a mysterious call from the same person that also gave us a mysterious call. Third, he tells us to obey what the caller says. Forth, he sees us drugged at a bar. Fifth, he bails us out of jail. Sixth, he helped us find some clues. And seventh, he's too concerned about Emma! Ang sarap nitong gawing libro eh! Kung isa itong libro, ang magandang title ay 7 Suspicious Things About My College Professor! What's up with him?" Sabi ni Rose.

"Maybe he's, no that's too impossible." Sabi ni Eloisa.

"What? Ano iniisip mo?" Sabi ni Rose.

"Never mind that. Medyo kakaiba lang yung naiisip ko. Kung ano-ano yung nababasa ko sa net." Sabi ni Eloisa.

"Ok, sige, di ko na lang tatanungin. Pero itanong mo sa father dear mo kung pwede ba siya ang ating maging lawyer pagdating sa kasong ito." Sabi ni Rose.

"Sige. Tara, uwi na tayo." Sabi ni Eloisa. Pagkauwi ni Eloisa sa bahay, nakita niya ang papa niya na nagbabasa ng dyaryo.

"Pa! Andito na ako." Sabi ni Eloisa.

The Final Wish (Filipino Version)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon