CHAPTER 1

93.8K 1.5K 444
                                    

Ako si Nicole Jensen. They call me. The nerd. What? ako to. This is my style. Hindi naman ako matalino katulad ng sinasabi nilang nerd. Hindi ako bookworm. Isa lang naman akong simpleng babae na wierd daw manamit? Hindi ko alam kung anong problema nila sa pananamit ko. Hindi lang talaga ako katulad ng ibang babae na super sossy at trying hard na maging maganda.

Pero isa siguro sa mga naranasan ko bilang tawaging The nerd. ay ang mabully :3 .

Nung una akala ko lahat sa palabas lang pwedeng mangyari yun. Akala ko sa mga nababasa ko lang nababasa yung ganun. Pero in reality pwede pala mangyari yun.

Papunta nako sa school ko ngayon. Whats new? Parating palang ako lagi nalang nila ako tinitingnan.

Nag aaral ako sa isang Girl University. Malamang sa malamang lahat ng andito ay babae.

But there is something on me na ako lang ang nakakaalam.

Bisexual ako. Yeah! i fall inlove with a girl . A girl like me.

Wala naman akong maisip na masama kung magkagusto ako sa isang babae rin diba? kasi parang mas masamang tingnan na pipilitin ko magpaka straight pero alam kong hindi ako magiging masaya sa isang lalaki. Bukod sa niloloko ko sya ay lolokohin ko rin ang sarili ko.

Speaking of a girl. Haaayst  ayan na sya . Walking in front of me. Ang babae sa bawat panaginip ko. Ang pinaka magandang babaeng nakita ko. Ang prinsesa ng buhay ko.

Sya si Franceska Gordun. Kilala sa buong school. Kilala sya dahil lagi syang lumalaban as a president sa class namin. Yup. classmate ko sya. Hindi lang sa class namin sya nakukuhang president pati rin sa campus namin.

Siguro hanggang pangarap nalang ako na mapapansin nya ang isang katulad ko. Masyado syang mataas para sa isang katulad ko.

Maganda sya. Matalino. Mayaman. She got that perfect body. Haaayst. Hanggang pangarap nalang talaga ako.

Tinitingnan ko sya papalayo ng biglang may kumalabit sakin.

Napakunot ang noo ko at saka lumingon. Lalong nagsalubong ang makapal na kilay ko dahil sa babaeng nasa harap.

Sino sya?

Sya naman si Katelyn Merris. Hindi ko talaga alam kung ano ang ginawa ko sa kanya at lagi nya akong binubully. Simula nang mapunta ako sa school na to. Wala ng nangyaring maganda sa buhay ko kapag nakakasalubong ko sya.

She gave me a weird smile. At alam kong may balak na naman sya sakin. Ano na naman bang pakulo ang gagawin nya?

Nabitawan ko ang hawak kong cellphone dahil sa biglaang may tinapon sya sakin na kung anong bagay.

"Aaaaaahhhh!!" sigaw ko. at saka ko pinagpag ang damit ko. "Waaaah!!! Alisin mo ang butiki na to. Waaaaah!!" pagpapatuloy ko.

Pero sadyang maitim ang budhi ng babaeng to kaya hindi nya ako tinulungan.

"Hahahaha . Dapat nakita mo kung ano  ang itsura mo. Youre the best clown ever! Ms. Weird." sabi nya. at saka umalis.

Sayang talaga ang babaeng yun. Maganda sya and i admit sexy rin sya. Pero pinaglihi yata yun sa hell kaya ganun kasama ang ugali :3 .

And the worst thing ever. Classmate ko rin si Kate. See? kung gaano ako ka swerte. Buti nalang talaga andun so Cheska kaya hindi ganun ka hell ang room namin dahil may anghel pa rin dun.

Nag CR muna ako bago ko naisipan na pumasok sa room. Wala kasi yung prof namin saka mag eelect lang ng officers kaya walang problema pag na late.

Papasok nako ng room nang mapansin ko na nasa harap si Cheska. And yeah. President namin sya at hindi na nakakapagtaka yun.

"And now for our muse!" sabi ni France.

Naupo ako kung saan makikita ko si France. sa may pinaka dulo ako ng classroom nakapwesto!

Nakita kong tumayo si Kate.

"I nominate Nicole Jensen." sabi ni Kate at saka tumingin sakin.

Nagtawanan ang mga classmate namin. Lahat sila nakatingin sakin. Pakiramdam ko gusto kong maglaho ng mga oras na yun. Gustong tumulo ng luha ko. Gusto ko silang sigawan lahat at itanong kong ano problema nila sakin. Pero hindi ako ganung tao. Kaya nayuko nalang ako habang naririnig ko pa rin ang tawanan nila.

"STOP IT!!"

Iniangat ko ang ulo ko at napatingin sa sumigaw. Si Cheska pala.

Hinampas nya ang mesa

"QUIET!!!" sigaw ulit ni France.

Tumigil ang lahat ng classmate ko at lahat sila ay nakatingin kay Cheska.

Parang nakakabingi bigla yung katahimikan. First time ko marinig na sumigaw si Cheska.

"ANO PINAGTATAWANAN NYO? MAY NAKAKATAWA BA HA? ANO BA GINAGAWA SA INYO NI NICOLE? WALA DIBA. SAKA NYO SYA TAWANAN KAPAG PERPEKTO NA KAYO." sabi ni Cheska.

Totoo ba ito? Pinagtatanggol ako ni Cheska? si Cheska?

Kinikilig ako. Gusto ko ngumiti pero kailangan kong pigilan.

Lahat sila ay natahimik at walang gustong magsalita.

Lumapit sakin si Cheska at saka ako hinawakan sa kamay.

"Lets go!" sabi nya.

Hindi ko alam kung saan kami papunta. Basta ang alam ko hawak hawak nya ang kamay ko habang palabas kami ng room namin.

Heaven ang feeling. Yung nahawakan nya palang kamay ko gusto ko na lumundag sa tuwa.

Nakalabas kami sa room namin.

"Sa-saan tayo pupunta?" tanong ko sa kanya.

Tumingin sya sa relo nya.

"Break time na kaya. Kakain tayo sa canteen. Dahil sa ginawa nila. Treat ko ito ngayon. Tsk dapat hindi sila ganun lahat tayo pantay pantay." sabi nya.

Ang bait nya talaga! ang ganda pa. Waah! pwede na ko mamatay ngayon.

Hindi ako makapaniwala sa nangyayari sakin ngayon.

Totoo ba to? Si Cheska makakasabay ko kumain.

Nag order kami ng pagkain. Pinilit ko sya na babayaran ko kaso ayaw nya.

Seryoso syang tao pero mabait sya. Beauty with a golden heart. sya na talaga! Nasa kanya na talaga lahat.

Ang saya ng araw nato.



This Nerdy Girl is Mine (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon