Kate's POV
"Good morning class. May bago nga pala kayong classmate si Miss Haide Forest." Sabi nung professor namin.
Hindi ko na tiningnan kung sino sya.
Nakatingin lang ako sa isang sulok na malayo ang iniisip.
Wala naman akong pakialam sa bagong salta ngayon. Isa lang ang iniisip ko. Si Nicole lang at si Nicole pa rin.
Naramdaman ko na may tumabi sakin kasi may vacant chair sa tabi ko.
Pero Hindi ko na binigyan pang pansin kung sino sya dahil hindi naman siguro sya makakatulong.
"Hi!"
Napabuntong hininga ako.
Napansin ko nalang na may kamay na harap ko at itinataas baba nya para maagaw ang atensyon ko.
Napatingin ako sa katabi ko.
Pagkatingin ko.
Ako ---> o________O
Sya ---> ^_________^
"Hi" sabi nya sa akin. At saka sya ngumiti.
Hindi ko alam kung ano ba ang dapat Kong maging reaksyon ngayon!
I saw her before.
Hindi ako pwedeng magkamali.
This girl beside me is the girl I saw last night.
Yung babaeng ito.
Sya yung babaeng kumakanta sa may music room.
"H-hi!" Sabi ko.
"I'm Haide Forest ikaw?" Pakilala nya sa akin.
"Uhmm. I'm Katelyn Merris. Kate nalang for short." Sabi ko rin.
Iniabot nya ang kamay nya sa akin. At saka rin ako nakipag shake hands sa kanya.
Nakangiti lang sya.
Nung nakita ko sya sa music room mukha syang suplada pero mabait pala sya. At sa nakikita ko ngayon mukhang masayahin syang tao.
"Haide. Ikaw ba yung nasa music room kagabi?" Tanong ko sa kanya.
"Haha. Oo ako nga yun. At ikaw yata yung natakot sakin kagabi kaya iniwan mo ako." Sabi nya na natatawa pa.
"Hindi aa. Hindi ako natakot sayo ang iniisip ko lang kasi baka gusto mong mapag isa. Bakit ka nga pala nasa music room kagabi?" Tanong ko ulit sa kanya.
"Eh kasi may audition next week para sa music play. Nagpa praktis ako. Sabi kasi nung guard pwede ko pa naman daw gamitin yun kasi estudyante na rin ako dito." Paliwanag nya.
May music play pala next week :3 bakit ba hindi ko alam?
Kunsabagay hindi naman ako interesado kasi hindi naman ako magaling kumanta. Hehe.
"Ahh. Okay. Hehe" sabi ko.
"Okay lang ba na maging magkaibigan tayo?" Tanong nya sakin.
Ngumiti lang ako sa kanya.
"Oo naman :)" sabi ko.
Hinawakan nya kamay ko.
"Pwede kaba pumunta sa audition ko? Pwede mo ba akong panuorin?" Tanong nya sakin.
"Ahh. Bakit?" Tanong ko.
"Para magkaroon ako ng lakas na loob at inspirasyon para makapasok sa music play. Gusto kong sumali talaga e. Isa yun sa pangarap ko." Sabi nya.
BINABASA MO ANG
This Nerdy Girl is Mine (COMPLETED)
Novela JuvenilSya ang pinaka weird na babaeng nakilala ko From: May 21,2015 To: Dec. 31, 2015 wew! Medyo natagalan pala bago natapos to! hahaha