Nicole POV
Another day sa school.
Nasa CR ako ngayon at nakatingin sa salamin. Inilapag ko ang bag ko sa may side ko.
Pangit ba ako? Ano ba problema sakin? Mukha pa naman akong tao kahit papano.
Biglang may pumasok sa CR.
"Hoy. Ms. Weird. Bat titig na titig ka sa salamin? Dika ba makapaniwala na mukha kang isinumpa? Hahaha" sabi nya sakin.
Hindi ko nalang sya pinansin. Ayokong masira ang araw ko. Kahit ngayon lang.
Tumabi sya sakin.
siniko nya ako. "Hoy!" sabi nya.
Huminga ako ng malalim at saka pumikit saka dumilat din ulit.
"Anooo?" tanong ko.
Umiling lang sya. Napapikit ulit ako. siguro mga 10 seconds din yun. Pagkamulat ko wala na sa tabi ko si Kate.
Aayst! buti naman umalis na sya. Ayoko muna ng gulo ngayon. Kahit ngayong araw lang matahimik naman sana yung buhay ko :3
Tinanggal ko ang salamin ko at kukuha ng polbo sa may bag ko. Kinapa ko ang bag ko.
Teka? Nasan ang bag ko?
Isinuot ko ang salamin.
Wala na ang bag ko.
Napailing ako. Hindi ba talaga nya ako papatahimikin?
Lumabas ako nang CR at hinanap ko si Kate.
Nasaan kaya ang babaeng yun?
Hinanap ko sya.
Pumunta ako sa may room namin at doon ko sya nakita na nakaupo katabi yung bag ko. Nakaawang yung pinto kaya nakita ko syang ngumiti sakin.
Dahil uwian na ng time na yun ay wala ng tao sa classroom namin. Sya lang yung nasa loob.
I tooked a deep breath bago pumasok. Pero bago pa ako makapasok at makalapit sa kanya ay naramdaman ko ang malamig na tubig na bumalot sa katawan ko.
Oo. nabuhusan ako. Malay ko bang may kung anong bagay sa taas ng pinto na may lamang tubig.
Napayuko nalang ako. Habang nakita ko syang tumatawa na naman.
Im still a loser. Simula pa man ay hindi na ako nanalo sa kanya.
"Hahahaha. Mahirap ba maging malabo ang mata? kaya dimo nakita yun?" tanong nya pa sakin.
Yumuko lang ako habang dinadama ang lamig ng katawan ko dahil sa hangin na nagmumula sa aircon na tumatama sa katawan ko.
Napaangat ako ng ulo ng maramdaman ko ang dalawang kamay na dumapo sa magkabilang braso ko. Napalingon ako.
Si Cheska ang nasa likod ko.
"Dito ka lang!" sabi nya sakin at saka ito pumasok sa loob ng room.
Nasa may tabi ako ng pinto habang tinitingnan ko sya na palapit kay Kate.
kinuha nya ang bag ko na nasa tabi lang ni Kate.
"What?" tanong ni Kate.
"Tigilan mo na si Nicole.!" sabi ni Cheska.
Umalis ito at saka ako hinila palabas ng room.
Ugali ng taong to. Lagi nalang akong hinihila palabas .
Hinila nya ako hanggang makarating kami sa CR. dahil nga uwian na. wala na masyadong tao. Lalo na sa CR.
Binigay nya sakin ang bag ko. At saka binuksan nya naman ang bag nya. Nakatingin lang ako sakanya.
"Oh eto!" sabi nya. Saka ito may ibinigay.
Napakunot ang noo ko.
"Ano to?" tanong ko.
"Damit ko yan. Suotin mo muna. Ayaw mo naman siguro umuwi na basa ka." sabi nya "Dont worry. T shirt yan at tokong . " dagdag nya pa
Pumasok ako sa CR at saka nagbihis. Pagkalabas ko nasa labas pa rin sya. Nagulat ako. kasi akala ko aalis na sya.
Pagkalabas ko ay nakita ko syang nakatitig sakin. Sinipat nya ako mula ulo hanggang paa. At mula paa pabalik sa ulo ko.
Nakakailang yung mga tingin nya. Hindi ako sanay na tingnan nya ng ganyan.
"Bagay sayo." sambit nya.
"Sa-salamat!" sabi ko. "Ibabalik ko nalang sayo to bukas. Dont worry lalabhan ko to agad pagkauwi ko. Para maibalik ko na sayo." pagpapaliwanag.
Ngumiti lang sya. Shocks! ang ganda nya ngumiti.
"No need. sayo nalang yan" sabi nya.
"Pero-"
"Oops. bawal ako tanggihan. Sorry ka. So i gotta go! mag iingat ka ha?" paalam nya
"Si-sige." sabi ko.
Napapansin ko lagi akong pinagtatanggol ni Cheska. Bakit kaya? Baka type nya ako?
Ayy hindi. Imposibleee yun! kasi sa tingin ko. Straight Girl si Cheska. Hindi sya magkakagusto sa isang tulad. At kung sakaling bi naman sya. I think hindi rin ako yung type ng babae na matitipuhan nya.
Tumingin ako sa salamin at saka napa buntong hininga.
BINABASA MO ANG
This Nerdy Girl is Mine (COMPLETED)
Fiksi RemajaSya ang pinaka weird na babaeng nakilala ko From: May 21,2015 To: Dec. 31, 2015 wew! Medyo natagalan pala bago natapos to! hahaha