Nicole POV
Nasa library ako ngayon. Wala. Tambay lang. Vacant time namin. Eh syempre wala akong kaibigan kaya ako lang mag isa dito sa table na inuupuan ko.
Nagbabasa lang ako ng libro dito. Papanindigan ko na kasi nga diba nerd daw ako?
Nagbabasa ako ng biglang may naupo sa harap ko.
Napatingin ako sa taong nasa harap ko.
nag smile lang sya sakin.
"Ano kailangan mo?" tanong ko.
Sino pa ba ang nasa harap ko? eh di si Kate . Andito na naman sya sa harap ko.
"May ibibigay lang ako sayo!" sabi nya.
Napakunot ang noo ko. Ano na naman ibibigay nya?
Bigla syang may tinapon sakin. Napatayo ako at saka napasigaw. Dahil tahimik ay napatingin sila sa akin. Pati na rin yung librarian. Ang sungit pa naman ng librarian dito :3
"Silent!" sabi nung librarian.
Napaupo ako. At saka ko tiningnan ng masama si Kate. Tumawa lang sya.
"Hey! Fake lang naman yung spider na yun. Hayaan mo next time. totoong spider na ang ibibigay ko" sabi ni Kate
Inuubos talaga ng babaeng to ang pasensya ko.
Tumayo ako at iniwanan ko si Kate.
Bumalik nako sa room. Dun pa rin ako sa dulo naka pwesto. At wala akong katabi. Sino ba naman ang gustong tumabi sa katulad ko. Aaayst!
Teka? Bat wala pa si Cheska. Nasan kaya yun? Malalate na sya.
Pero bago pa man sya malate ay dumating na sya.
Pagpasok nya ay nakangiti sya. Ang ganda nya talaga. Sya na talaga ang anghel ko. Aaayst!!
Those beautiful smile. Talagang nakakabuo ng araw kahit nasira kanina. Ayos lang. Makita ko lang ang ngiti nya okay na ako.
Nakita ko syang palapit sakin at saka tumabi sakin.
Tumabi? Nakatabi sya sa akin. Totoo ba to?
"Hi Nicole." sabi nya.
"Hello." sabi ko.
"How's your day?" tanong nya.
"O-okay naman" sagot ko.
"May ginawa na naman ba sayo si Kate?" tanong nya sakin.
Actually meron. Haayst. Kung pwede lang patulan ko na ang babaeng yun. Ginawa ko na!
"Medyo!" sabi ko.
"Medyo? so may ginawa na naman sya? hindi talaga masabihan ang babaeng yun. Tsk tsk tsk" sabi nya habang napapailing.
Hindi ako makapag concentrate dahil sa katabi ko si Cheska. Feeling ko ewan. Masaya na medyo kinakabahan. Pag nakatabi mo ba naman ang crush mo. Ewan lang.
Natapos ang klase namin na wala akong naintindihan sa pinagsasabi ng teacher ko. Ang lakas kasi ng kabog nung dibdib ko. Nakakabingi. Basta ang naintindihan ko lang. Katabi ko ngayon ang babaeng pinapangarap ko.
Nag uwian na kami. Nauna na akong lumabas kay Cheska. Hindi na kasi ako makahinga. Pakiramdam ko kasi naging abnormal yung tibok ng puso ko nung katabi ko sya.
Nasa labas na ako ng campus at naghihintay ng masasakyan pauwi. Yeah. Nag cocommute lang ako pauwi.
Naghihintay ako ng may tumigil na sasakyan sa may harapan ko.
Haayst. sino ba to? Paano ako makakasakay kung ganito?
Biglang bumukas ang bintana ng kotse sa may backseat.
"Hi Nicole."
Nanlaki ang mga mata ko.
"Cheska?"
Ngumiti sya. "Hatid na kita." sabi nya.
Hahatid? Ako? Ako ihahatid nya? wait! Waaaah!! Tolooogo?!
Okay Nicole wag ka namang pahalata dyan.
"Ahmm.. Wag na! Mag cocommute nalang ako " sabi ko
Kahit sa totoo lang. Kanina ko pa gustong sumakay.
Binuksan nya ang pinto ng kotse. At saka ito bumaba doon. At ngayon ay nasa harapan ko na sya.
"Hahatid kita. i insist." sabi nya
"Pe-" naputol ang sasabihin ko ng hawakan nya ang kamay ko at hinila ako papasok ng kotse.
At ngayon ay nasa loob na ako ng kotse. Wala na lang akong nagawa kundi ay sumakay at sabihin sa kanya ng address ng tinitirhan ko.
Hindi ako makapagsalita. Wala akong masabi. Wala akong maisip na sasabihin sa kanya
Hanggang nakarating kami sa bahay na wala kaming napag usapan.
"Salamat Cheska." sabi ko
"Wala yun :)" sabi rin nya.
Pagkatapos nun ay umalis na ang kotse nya.
Kate POV
Nasan kaya ang babaeng yun? Hinahanap ko si Nicole. Nagmamadali kasing umalis kanina. Siguro iniiwasan nya ako. Natatakot na siguro sya sakin.
Pumunta ako sa parking lot at sumakay ng kotse ko.
Nasa byahe nako ng makita kong nag aabang ng masasakyan si Nicole. Titigil sana ako sa may harapan nya nang may makita akong kotse na tumigil sa harapan ni Nicole.
Sino yun?
Napakunot ang noo ko.
Wait! Kotse ni Cheska yun aa.
Nakita kong sumakay ng kotse ni Cheska si Nicole.
Whaaaaat?
Anong meron sa kanila?
Oh yeah. Alam ko bisexual si Cheska pero ang cheap naman kung si Nicole ang natitipuhan nya.
Pano ko nalaman na bisexual si Cheska? Simple lang. Magkaibigan kami dati kaso nag away kami dahil sa isang babae. Yeah. Sa isang babae.
Hindi ko matanggap na hindi ako ang minahal nang babaeng yun. Na si Cheska ang pinili nya.
Simula noon nagbago ang lahat. Lagi silang magkasama at nasasaktan ako dun. Kaya mas pinili ko na umiwas nalang kesa masaktan ako ng sobra.
And now we treated each other like a stranger. And yes. Im also a bisexual. Hindi naman mahahalata na babae ang gusto ko dahil sa babae ako manamit.
Si Nicole. I dont know. Pero trip ko talaga sya. Well shes not my type pero ewan ko. Hindi naman sa may galit ako sa kanya kaya lang natutuwa ako pag napapansin nya ako. Kahit halata ko na parang may something sya kay Cheska.
Pinaandar ko ang kotse ko. At saka umuwi.
BINABASA MO ANG
This Nerdy Girl is Mine (COMPLETED)
Dla nastolatkówSya ang pinaka weird na babaeng nakilala ko From: May 21,2015 To: Dec. 31, 2015 wew! Medyo natagalan pala bago natapos to! hahaha