@skyrainjuju
Kate's POV
Tingin sa kaliwa
Tingin sa kanan
Tingin sa likod.
Tingin ulit sa harapan.
Napatingin ako sa relo na suot ko.
Nasaan na ba ang babaeng yun ? Aaayst! Pupunta pa ba sya ?
Napatingin ulit ako sa likod.
Wala pa rin sya .
Napailing nalang ako.
Napatingin ulit ako sa relo ko. Nang biglang may kumalabit sakin mula sa likod ko.
"Bakit ngayon ka lang?" Tanong ko sa kanya.
"Sorry. Traffic kasi e. Kaya ayun. Na late ako. Nag start na ba?" Tanong nya.
"Yhup. Kanina pa. At sa tingin ko ay ikaw na yata ang susunod doon" Sabay kaming napatingin sa babaeng kumakanta na nasa unahan.
"waaa! Gotta go.. Salamat sa pagpunta Kate" sabi nya.
Patakbo syang papunta na sa backstage Nang bigla ko syang tinawag.
"Haide?" Tawag ko.
Lumingon sya at saka nagsalita "Bakit?"
"GOODLUCK:) at galingan mo :)" pagpapalakas ko Nang loob sa kanya.
Tumango sya saka ngumiti at dali daling pumunta sa backstage.
Naupo nalang ako at hinintay ang paglabas nya sa stage.
Si Haide ang kanina ko pang hinihintay. Mag a audition sya ngayon para sa music play na gaganapin dito sa school.
They have 50 contestant at 10 lamang ang kukunin nila. Well hindi naman ako magtataka kung sakaling makuha si Haide. Maganda ang boses nya. She got a lovely voice.
"And now our next auditioner is Miss Haide Forest."
Pumalakpak ako kahit ako lang mag isa. Wala naman kasing ibang nanunuod bukod sa tatlong judges na pipili ng sampung tao para sa play.
Haide's POV
Nasa likod ako ng back stage at hinihintay nalang ang pagtawag sa pangalan ko. Yeah I'm a good musician and a good singer sabi nila. Sanay naman akong sumali sa mga singing contest but this time.
Ano tong nararamdaman ko? Kinakabahan ako. Nanginginig ang kamay ko.
I know hindi ito para sa mga judges. Kundi dahil Kay Kate. I know she saw me singing the first time we meet pero hindi maalis yung kaba.
"And now our next auditioner is Miss Haide Forest."
I took a deep breath. This is it! I can do it. Pinapunta ko si Kate dito para magka strength ako. And I will make her proud. Hindi ko sasayangin ang oras na pinunta nya dito para mapanuod lamang ako.
Umakyat nako ng stage at saka ko narinig ang palakpak na nanggaling kay Kate. Napatingin ako sa kanya at saka sya ngumiti sakin. Nag thumbs up sya for support.
Nagsimula na akong kumanta.
Kate's POV
She began to sing. Ang for the second time I hear her voice again. She got a lovely voice :)
Kumanta sya ng only hope ni Mandy Moore na bumagay sa boses nya.
Natapos na ang audition at bukas pa malalaman ang result kung sino ang makukuha o makakapasa.
Hinintay ko nalang na makalabas sa back stage si Haide. Pagkakita nya sakin ay kumaway sya habang nakangiti. At saka tumakbo palapit sakin.
Tumayo na ako at hinintay nalang sya na makalapit sakin.
"Hey! Thanks for coming Kate :)" pasasalamat nya sakin.
"Wala yun. Sabi ko diba pupunta ako. So I'm here! ^^" sabi ko.
Naglakad na kami palabas ng room na yun.
"Grabe kinakabahan talaga ako kanina. Buti nalang natapos na" sabi nya pa.
"Hindi ka naman dapat kabahan sa ganda ng boses no doubt na makuha ka." Pagpapalakas ko ng loob nya.
Humarap nya sakin kaya napatigil ako sa paglalakad
"Talaga?" Tanong nya.
Ngumiti ako saka tumango.
Ngumiti din sya at saka ako niyakap.
Nung una ay nagulat ako at hindi ko alam kung dapat ko bang gantihan ang yakap na binigay nya."Thank you Kate!" Sabi nya. "Thank you!"
Yung yakap nya ay para sa pagpapasalamat nya sa pagsuporta sakin. Hindi naman siguro masama kung yayakapin ko sya. Beside this is just a friendly hug.
Nicole's POV
Kinalabit ko ang classmate ko na nasa unahan ko.
"Excuse me!"
Hindi nya lumingon.
Kinalabit ko ulit sya.
"Excuse me."
Lumingon sya na parang galit.
"What?" Tanong nya.
Aayst. Ang tataray talaga ng mga babae sa school na to kahit kelan.
"Ahmm. San pumunta si Kate? Kanina pa sya wala." Tanong ko.
"Malay ko ba kung saan sya pupunta." Sabi nya saka ako inirapan.
Ang sungit.
Ano bang meron ngayon? Pati si Cheska hindi din pumasok.
Pumunta ako sa unahang upuan at naupo sa may pwesto ni Kate.
Tiningnan ko kung sino ang katabi ni Kate. Si Sarah pala to. Mabait si sarah kaya im sure masasagot nya ang tanong ko.
"Sarah pwede ba magtanong?" Tanong ko sa kanya.
Tumingin sya sakin at saka ngumiti. "Sure. Ano yun?" Sabi nya.
"Ahmm. Alam mo ba kung nasaan si Kate?" Tanong ko.
Parang medyo na weweirduhan sya sa tanong ko.
Pero sinagot nya nalang.
"Si Kate ay nanunuod sa mga nag aaudition na mga gusto sumali sa music play."
Music play?
Napaisip ako.
Oo nga pala ngayon nga pala yun. Pero bakit sya andun ? Anong meron?
Oh well! Mapuntahan nga.
Tumaas ako ng kamay.
"Yes Ms. Nicole?"
"Sir may I go out?" Paalam ko.
Pinayagan naman ako at lumabas ako. Agad agad akong pumunta sa music play audition.
Patakbo na akong pumunta dun. Tumigil ako saglit sa pagtakbo kasi hinihingal na ako medyo malayo din kasi yun sa room.
Isang liko nalang at malapit na ako kaya dahan dahan nalang akong naglakad. Pero kalahati palang yata ng katawan ko ang nakadungaw sa palikong yun ay bigla akong napatigil.
Si Kate ba yun? At si Haide?
Bakit sila magkayakap?
Sa nakikita ko masaya sila habang magkayakap. Bigla akong napaurong at napasandal sa may pader na andun.
Nag skip sya sa klase para lang puntahan si Haide.
Oo nga pala mag a audition si Haide para sa music play. So si Haide pala ang pinuntahan ni Kate.
Anong meron sa kanila?
Umalis nako at bumalik nalang sa room.
BINABASA MO ANG
This Nerdy Girl is Mine (COMPLETED)
Novela JuvenilSya ang pinaka weird na babaeng nakilala ko From: May 21,2015 To: Dec. 31, 2015 wew! Medyo natagalan pala bago natapos to! hahaha