CHAPTER 14

25.2K 606 39
                                    

Kate's POV

Naglalakad ako ngayon sa hallway. Tapos na ang klase ang nag si uwian na. Wala na rin masyadong tao sa school ngayon kasi it almost 7pm na.

Naglalakad ako sa hallway ng padaan ako sa may music room.

Narinig ko sa loob ng music room ang isang magandang tinig na nang gagaling doon. Dahil nakaawang ng konti ang pintuan ay maririnig mo talaga ang nasa loob nun kung may tumugtog man.

I don't know pero masyado yata akong na curious kaya naisipan kong lumapit sa music room.

Palapit ako ng marinig ko ang pag tugtog ng isang piano kasabay nun ay isang magandang tinig na bumabagay sa tunog ng piano.

Soft music with a soft voice.

Binuksan ko ng bahagya ang pintuan ng music room.

Nakita ko ang isang Babae na nakaupo sa piano habang kumakanta. Naka side view sya pero halatang maganda sya.

Tumigil ako sandali para panuorin syang kumakanta. You can see in her face na dama nya ang bawat lyrics ng kanta.

Nakatitig lang ako sa kanya.

Pumikit ako saka ko pinakinggan ang magandang boses nya.

Naaalala ko nung unang beses ko marinig ang boses ni Nicole. Pareho silang maganda ang boses.

Napabuntong hininga ako at saka muling dumilat.

Nagulat ako Nang mapansin na nakatingin na pala sya sakin.

Nakatitig sya sakin.

Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko.

Dapat ba umalis na ako ?

Mag hi sa kanya ?

Ano ba ?

Dahil sa hindi ako mapakali ay napagdesisyunan ko na umalis nalang. At iwanan syang nag iisa ulit.

Baka kasi mamaya gusto nya palang mapag isa .

Naglakad na ako hanggang makarating sa parking lot.

Papaandarin ko palang ang sasakyan ko ng biglang mag ring ang phone ko.

Danica calling ...

"Hello"

"Hello Kate?"

"Yeah! Its me."

"Hi kate. How are you?" Tanong sakin ni Danica.

"Im okay. Ikaw ? Kumusta kana?" Tanong ko rin sa kanya.

"Im okay! Anyway Kate. Ku-kumusta na nga pala si Cheska?" Tanong nya sakin.

Napabuntong hininga ako. I know si Cheska naman talaga ang gusto nyang kumustahin. Bakit di nya nalang kaya ako diretsyahin.

"Okay naman sya. At sa nakikita masaya.  I think she can handle her self." Paliwanag ko sa kanya.

"Kasama mo ba sya ngayon?" Tanong nya ulit sa akin.

"Hindi kami magkasama e. Nagpaiwan ako kanina sa room kaya nauna na syang umuwi sa akin."  Sabi ko sa kanya.

"Is she really okay?" Tanong nya ulit.

"Yeah! Nakikita ko na syang masaya." Sagot ko.

"T-thats good! Sa-sana makita ko syang masaya. Gusto ko syang makitang masaya." Sabi ni Danica na halata mong Parang may lungkot ang bawat salitang binibitawan nya.

This Nerdy Girl is Mine (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon