Haide's POV -after 5days-
Pagkatapos nang nangyari ramdam ko yung mga iwasan moment na nangyayari sa tatlo. Kay Kate, Nicole at Cheska.Si Kate iniiwasan si Cheska at Nicole.
Si Cheska iniiwasan si Kate.
Well si Nicole wala naman talagang iniiwasan. Sadyang si Kate lang talaga ang umiiwas sa kanya.Haaayst! Napabuntong hininga nalang ako habang iniisip ang mga nangyayari.
"Okay ka lang ba?" Tanong sakin ni Kate.
Yup! Si Kate. Nakakasama ko na si Kate. At ako gagawin ko ang lahat mapasaya lang si Kate. At sisiguraduhin ko na nasa tabi nya lang ako hanggat alam ko na hindi pa sya okay.
Tumango ako sa kanya at saka ngumiti. "Yup. I'm okay!" Sagot ko.
Wala yung professor namin ngayon. Ewan ko ba nakipagdate yata. Haha. Lagi nalang wala.
"CR lang ako Haide." Paalam ni Kate sakin.
Tumango ako at nag okay sign sa kanya.
Kate's POV
Shocks! Buti nalang walang professor ngayon. Kanina pa ako na CCr ii . I mean you know na jijingle bells. Hahaha.Agad akong tumakbo papunta sa CR at agad pumasok na doon.
After 12345years ..
Flush!
Haaayst! Atlast naka survive din.
Nagulat ako nang pagbukas ko ng pinto ay andun naman si Nicole.
Hindi ko alam ang gagawin ko at diko alam kung anong unang hakbang ang gagawin ko.
"Excuse me!" Sabi ko.
Nakaharang kasi sya sa daanan. Eh kaming dalawa lang naman ang andito sa loob ng CR.
"Kate?" Tawag nya.
"Bakit?" Tanong ko sa kanya na hindi ako tumitingin sa kanya.
"Iniiwasan mo ba ako?" Tanong nya sa akin.
Biglang lumakas yung kabog ng dibdib ko. Hindi ko alam ang isasagot sa kanya. Should I say Yes? Pero wala naman syang kasalanan.
Tiningnan ko sya at saka ako ngumiti sa kanya.
"Of course not! Bakit naman kita iiwasan?" Tanong ko naman sa kanya.
Waaaa! Pwede na ba akong umalis? Shocks! Kahinaan ko talaga ang babaeng to.
"Wala naman. Para kasing iniiwasan muko" sabi nya pa.
"Hahaha. Napaparanoid ka lang weird. Haha. Busy ka lang talaga siguro kaya akala mo iniiwasan kita. Hahahaha. Sige alis nako. Ingat ka dyan huh? May iniwan pa naman akong gagamba dyan." Sabi ko sa kanya.
"S-sige" sabi nya naman.
Pagkatapos nun ay umalis na ako at saka bumalik sa room.
Waaa! Ang hirap talagang umiwas lalo na kapag nakikita mo din araw araw. Haaayst!
Nicole's POV
Sinundan ko nalang nang tingin si Kate habang palayo sa akin. Napabuntong hininga ako.Akala ko tama ang ginawa ko na kausapin sya. I know iniiwasan nya ako. Ramdam ko yun. Pero kasi ang hindi ko maintindihan bakit nya ako iniiwasan? Ano bang ginawa ko sa kanya? Yun bang lakad dapat naming tatlo ni Haide na hindi natuloy kaya sya galit?, Eh kung mag explain ako sakanya? Pero bakit ako mag eexplain baka mamaya hindi naman pala yun ang dahilan. Haaayst!
Kausapin ko nalang kaya si Haide. Pero kasi naman laging magkadikit ang dalawang yun.
Dahil wala namang professor ngayon ay naisipan ko nalang tumambay sa music room. Bihira lang naman kasi ang tao doon.
Pumunta ako dun at saka ko kinuha ang gitarang andun at saka ako tumugtog ng Begin Again by Taylor Swift.
And you throw your head back laughing like a little kid
I think it's strange that you think I'm funny 'cause he never did
I've been spending the last eight months
Thinking all love ever does is break and burn and end
But on a Wednesday in a cafe I watched it begin again*clap clap clap*
Napalingon ako sa kung saan nang gagaling ang palakpak na yun.
Ngumiti ako sa kanya at saka sya tumabi sakin.
"Bakit ka nandito?" Tanong sakin ni Cheska.
"Stress reliever kasi ang music." Sagot ko sa kanya.
"So? Stress ka?" Tanong nya pa.
"Ahmm. Well! Hindi naman. May iniisip lang." Sagot ko ulit sa kanya. At saka ko inilapag ang gitara na kinuha ko.
"Then? Why?" Tanong nya ulit.
"Kasi si Kate. Pakiramdam ko iniiwasan nya ako. Sa tingin mo ba?" Tanong ko naman sa kanya.
Bigla syang natahimik at hindi kumibo.
"Cheska ?" Tawag ko
"I guess! Hindi ka naman nya iniiwasan. Ganun naman talaga sya eh! Masasanay ka nalang." Sabi nya habang nakatingin sa malayo.
"What do you mean?" Tanong ko.
Tumingin ako sa kanya. At nginitian nya ako.
"Wala yun :) balik na tayo sa room. Wag ka masyadong mag sstay mag isa" paalala nya sakin.
Tumango nalang ako at bumalik na kami sa klase.
BINABASA MO ANG
This Nerdy Girl is Mine (COMPLETED)
Novela JuvenilSya ang pinaka weird na babaeng nakilala ko From: May 21,2015 To: Dec. 31, 2015 wew! Medyo natagalan pala bago natapos to! hahaha