CHAPTER 8

28.4K 682 242
                                    

NICOLE POVS

"Pick your partner!" Sabi nang professor namin.

Nag ingayan na ang buong klase namin at kanya kanya kalabit ng katabi para sa pagpapa partner.

Wala akong katabi ngayon. Si Cheska nasa tabi ni Kate. Dun pinaupo ni Kate sa tabi nya e.

Inikot ko ang paningin ko. Dahil nasa likuran ako at nasa dulo ako ay kitang kita ko na ang lahat ay may kanya kanya nang kapareha.

And I'm sure na magkapartner na si Kate at Cheska.

Paano naman ako? Wala man lang gusto na makapareha ako.

Napatingin ako sa direksyon ni Kate at Cheska.

Nakita kong pareho silang nakatingin sakin.

Problema nila?

Tatayo sana si Cheska nang biglang sumigaw si Kate.

"Hoy Nicole. Partner tayo ha?" Sigaw ni Kate.

Hindi ko alam kung ano ang dapat na maging reaksyon ko kaya napatango nalang ako sa kanya. At saka sya nag thumbs up as an Okay sign.

Paano yun?

Teka? Sino ang partner ni Cheska? Kung ang partner ni Kate ay ako.

Magkakaroon kasi kami ng research.

Kaya ayun. With partner daw.

Natapos na ang klase namin at uwian na.

Nag aayos nako ng gamit ko nang may kumalabit sakin .

Si Cheska to sigurado ako.

Dahan dahan kong nilingon ang nasa likuran ko.

Nakangiti ako pagkaharap ko. Pero napalitan yung ngiti ng gulat nung makita ko na hindi si Cheska ang nasa likuran ko. Walang iba kundi si Kate.

Napakunot ang noo ko.

"Ano kailangan mo?" Tanong ko.

"You!" Sagot nya.

"Ha?"

"I mean. Pwede ko bang ihatid ang partner ko pauwi?" Tanong nya.

Ano na namang trip neto.

"May dadaanan pa ako e." Sagot ko nalang.

"Eey di daanan natin"  sabi nya.

"Malayo kasi yun e." Paliwanag ko.

"Ayos lang. Wala na din naman akong pupuntahan!" Sabi nya.

Ang kulit neto.

Napakamot ako sa batok ko.

At saka sya tiningnan.

"sige na!" Sabi nya.

"oo na nga." Sabi ko nalang dahil wala na yata akong magagawa sa kakulitan ng taong to.

Pumunta kami sa parking lot.

Nasa tapat na kami ng kotse nya nang bigla syang ..

"Wait!" Sabi nya.

Napatingin ako sa kanya.

"Bakit?" Tanong ko.

"Yung phone ko. Naiwan sa room natin." Sabi nya.

Baliw talaga to. Iwanan ba naman ang cellphone nya.

"Tara! Balikan na natin" sabi ko.

"No! Ako nalang. Just wait me here! Babalikan kita. Kung gusto mo sumakay kana sa kotse para dika mapagod na tumayo dito." Sabi nya.

This Nerdy Girl is Mine (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon