Kasama ko ngayon si Jyron na kanina pa ako kinukulit. Bigla siyang tumigil kaya napatigil din tuloy ako. Lumipat siya ng pwesto sa kabila ko at ngayo'y siya na ang nasa gilid ng daan kung saan paparating ang mga kotse.
"Bakit ba kasi, saan ka pupunta ba?" Malungkot na sinabi niya.
Nakarating na kami sa front ng school at sa wakas ay hinarap ko siya dahil alam kong hindi niya ako titigilan all day kapag hindi ko pa sabihin sa kaniya.
"I'm going on a date, that's the reason kung bakit hindi ako makakasabay sa'yo." Diretso kong sinabi na nagpatigil sa kaniya.
It's like it made his entire face blank and I got confused about it.
"Talaga?" He replied, but with a serious tone that feels a bit off.
Unti-unti akong tumango at bigla ko naman narinig ang mahina niyang tawa. He chuckled, but it failed to reach his eyes. Naguluhan ang ekspresyon ko dahil parang may mali.
"Oo, bakit?"
Ngumiti siya, and again it didn't reached his eyes. Tinapik niya ang aking ulo nang marahan.
"Big girl ka na, libre na lang kita no'n oh," walang tamis na sinabi niya sabay tinuro ang nagtitinda ng fishball.
Ngumiti ako at tumango.
It still the same, nothing change, fishball with cheese and mayonnaise pa din ang inorder ko kaya naman masaya ang araw ko ngayon.
"Seryoso ka ba sa lalaking 'yon?" Tanong niya kaya naman napatingin ako sa kaniya.
Seryoso na. Azkiro made me feel special and it's like I'm happy to be with him now, na para lamang wala ang pagbabardagulan namin noon sa pataasan ng scores. It feels like nostalgic.
I nodded slightly, taking a bite on my fishball. "Does he treat you right?"
Nakuha nito ang buong atensyon ko. Tumawa ako at 'saka marahang hinampas ang kaniyang braso na nagpadaing naman sa kaniya.
"Since when did you start speaking english?" I said sarcastically that made him chuckle.
Hindi na siya sumagot pa kaya hindi na din ako sumagot.
Nasa classroom na ako at kanina ko pa hinihintay si Azkiro pero hanggang ngayon ay wala pa din siya. It's been an hour and I'm getting a little bit worried.
Biglang niyugyog ni Dianne ang braso ko kaya naman tiningnan ko siya ng masama at para ba itong kiti-kiti na kinikilig ngayon na nakatakip sa kaniyang bibig.
"What?" Galit na tanong ko.
Tinuro niya ang likod ko kaya naman sinundan ko ito na papunta sa pinto. Nalaglag ang panga ko nang makita si Azkiro sa pinto na papalapit sa akin habang may dala-dalang bouquet of flowers.
Instead of real flowers, it's a bouquet of crocheted tulips, lavender, and various flowers.
Umupo siya sa tabi ko at 'saka ito iniabot sa akin. Dahan-dahan ko itong kinuha at ang mga hiyaw ng kaklase ko ay naririnig ko pati ang teacher sa harap namin ay kinikilig na parang siya pa ang binigyan.
BINABASA MO ANG
Escaped the Summer (M)
RomanceHi-School Love Series 1# She's the type of girl who is afraid of making a mistake... not just in life, but also in her grades, scores, and anything else related to school. People may describe her as perfect, but she clearly isn't. Her father is one...