Kinuha ko ang cellphone at 'saka earphone ko. Nilagay ko ito sa aking tainga at 'saka ipinikit ang aking mga mata habang dinadamdam ang tugtog.
Music are my therapy, especially on my darkest times.
I crossed my arms as I rested my head on the armrest. I wanted to sleep all day, but I have so many things to catch up. Nakakapagod lalo na kung sabay-sabay ang mga dumadating sa buhay mo.
Biglang humina ang sounds dahil naramdaman kong may kumuha ng isang piece ng earphone ko. Napatingin ako dito at nakitang na kay Azkiro ito na nakikinig din.
He waved at me while smiling.
Ngingiti na sana ako pabalik nang may naramdaman akong tumayo sa harap ko. Tumingin ako dito at nakita si Mika na nakatayo sa harap ko habang seryosong nakatingin sa akin.
Her aura was dark and unpredictable.
"Sabi sa akin ni Ma'am Vanes na ako daw ang tutulong sa 'yo sa pag-aayos sa garden." Tumango na lamang ako sa kaniyang sinabi.
Something doesn't feel right... or I'm just being weird.
Nang makarating na kami sa garden ay liningon ko siya kaagad nang makitang wala ang mga gamit sa lamesa. Naguluhan ako nang siya'y dahan-dahang umatras papalayo sa akin.
I frowned. "What's wrong?"
Mas kumunot ang noo ko nang siya'y tumigil na ngayo'y limang metro na ang layo naming dalawa. Biglang may humawak sa dalawang kamay ko na kaagad ko din namang kinagulat.
Pilit akong pumiglas pero dalawa ito at kilala ko kung sino ang mga ito. Sila ang estudyante sa ibang seksyon na kasa-kasama lang noon ni Mika noong ako'y hindi niya pinapansin.
"What the hell Mika!" I shouted her name, cursing out my lungs.
She just stood there watching me get tangled up by these girls behind me. I screamed, but they covered my mouth. Their hands were also encircling my nostrils, preventing me from breathing.
I lost all my strength. What are they doing to me? Why are they torturing me? Is there something I've done wrong... Why am I being bullied? I'm so helpless that I gave up on trying to defend myself.
Hinarap ako ng isang babae at 'saka ako nginisian.
My eyes weakened as I stare into her soul. Bumaba ang tingin niya kaya naman sinundan ko ito at nanlaki ang mata ko nang makita ang mga itlog, flour at iba pang mga sangkap sa sahig.
Don't tell m- Napapikit ako nang maramdaman ko ang malagkit na pagbuhos sa akin ng itlog. Narinig ko ang mga tawanan nila habang ako ay nakatingin lamang kay Mika na walang ginagawa. Nakatingin lamang sa akin habang ako'y pinapahirapan.
Muli akong napapikit nang naramdaman ko ang harina na bumuhos sa aking ulo na dumapo sa aking mukha at damit.
I smirked as I glared at the girl in front of me.
"You guys are too brave for this," sarkastikong sinabi ko na may halong pagbabanta.
The smirk on hers faded, it turns out to be anger. "Masyado kang mayabang, you deserve this and we don't care what you says, porket president ka ay hindi mo kami matatakot. We're more powerful than you!"
I smirked as she says that. "On what bases?"
Bigla siyang nagtaas ng kamay at akmang isasampal sana ito sa akin nang may humawak sa kaniyang pulso. Agad akong napatingin dito at nanlaki na lamang ang mga mata ko nang makitang si Luna ang nakahawak nito.
Napahiyaw ang babae nang puluputin ni Luna ang braso nito. Nalipat ang tingin ko kay Mika na tumakbo papalayo and I felt the girls behind me started trailing off.
BINABASA MO ANG
Escaped the Summer (M)
RomansaHi-School Love Series 1# She's the type of girl who is afraid of making a mistake... not just in life, but also in her grades, scores, and anything else related to school. People may describe her as perfect, but she clearly isn't. Her father is one...