Chapter 7 - Honest

475 18 0
                                    

Chapter 7

Honest


"Everyone's talking about you right now," Faye stated as she's tying my hair into ponytail. Swimming ang PE class namin. Medyo naiilang nga ako magsuot ng one piece swimsuit pero panay babae lang naman kami ngayon at iniiwan naman ang cellphone sa locker kaya medyo ayos lang din.

"Dahil sa nangyari kaninang umaga? Can't people move on from that? First time ba nilang makakita ng taong magaling magsalita ng ibang lengwahe?"

"Hindi lang 'yon. Kalat na rin sa campus ang sagutan niyo ni Rohan kanina. My ghad when I watched the video, nahiya na lang ako sa sarili ko. Feeling ko ang hina hina ng utak ko kumpara sa inyong dalawa."

I frowned. "What video?"

"Oh. Someone recorded what happened during your second subject. Mukhang masyadong techy ang mga tao dito. Pansin ko, they're always on their phones."

Pati nung Science class may nag-video? Ang tindi ha.


"I hope I look good on 'em," sambit ko na lang bago ako tumayo na.

"Wow, saan nanggagaling ang fighting spirit natin?" tatawa-tawang tanong niya.


"I realized I might as well just enjoy the spotlight instead of running away from it. Wala naman akong magagawa kung pagusapan ako ng mga tao dahil sa mga alam ko. Atleast it's a positive kind of gossip rather than someone creating a story to ruin me."

Faye smiled. "Right. May point ka naman."


"Do you girls have a waterproof eyebrow pencil?" pagsulpot ni Alice. Parehas kaming umiling ni Faye.

"Why'd you need one?" tanong ko.

"Syempre dapat maganda pa rin kahit mababasa ng tubig," she laughed. "Whoah. Ang duga mo, Lia!" Nagulat ako ng bigla siyang lumapit sa akin at hinawakan ang kilay ko. "How come you're face is so perfect without make-up on? Ang daya!"

I chuckled. "Baliw. Tara na, baka ma-late tayo."

"I can't go out there without---Oh! Hey angel!!! Can I borrow your eyebrow pencil? 'Yung waterproof sana?"


Alice ran towards the girl I met at the hallway, the one I accidentally hit with the door.

Nakaupo siya doon sa isa sa mga locker room bench. She's also wearing the same blue one piece swimsuit but somehow, it looked better on her than it is on me and my bestfriend. Ma-curvy kasi talaga ang katawan niya at ang laki pa ng dibdib. She's so sexy.


"Here, I have two. Black and brown, pili ka na lang," The girl answered in a cold tone. May lumapit sa kanilang isang babae na maikli ang buhok. Nakatingin lang siya kila Alice at Angel.

"I'll borrow the brown na lang, thanks!!!" Alice happily said. "Oh hey Flor!"

"Hey," simpleng sagot nito.


"Angel pala name niya, e bakit ang demonyita sa'yo? 'Di ba sinungitan ka niyan?" Faye whispered.

Teka, bakit pamilyar 'yong Angel? Saan ko nga ba narinig ang pangalang iyon?


While I'm racking my brain, Angel suddenly looked at me. Tinaasan niya ko ng kilay kaya agad akong umiwas ng tingin. Nakakatakot ang aura niya. Parang tatarayan ako any time.

A Royal DisguiseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon