Chapter 22 - Dream

372 10 1
                                    

Chapter 22

Dream


Cordelia's POV


I woke up with a headache the next day. Wala tuloy akong ibang ginawa buong sabado kun'di matulog lang sa dorm. Ngayong linggo naman, maaga akong gumising para makapag-online class with my professor from the palace. He started teaching me another language, which is Assamese. Natapos kami, lunch time na. He said we'll continue the lesson every weekend.


"Faye, punta lang akong library." I couldn't concentrate with Alice playing a song. Naglilinis kasi siya ng aparador niya kaya nagsa-soundtrip siya.

"Do you want me to accompany you?" she asked. She's not feeling well again. Nasira ang tiyan niya sa paginom ng alak kaya kanina pa siya pabalik balik sa CR.

"Hindi na. I'll be back in the afternoon. Doon lang ako magbabasa."

"Okay. Call me when you need me. Ingat ka ha!"

Tumango lang ako at kinuha na ang jacket ko. Sinuot ko iyon at nag-rubber shoes na bago ako lumabas ng room. Nag-earphones ako at pinakinggan ang finorward na podcast sa akin ng prof ko kung saan uulit-ulitin ko ang Assamese word na sinasambit niya para masanay ang dila ko.


I was almost at the library when I saw Rohan, Adrian, and Erik. Mga bagong ligo sila, kaya nag-assume agad akong kakagaling lang nila sa gym for practice.

"Uy saan punta?" Adrian asked me.

"Library lang."

"Ganitong oras, magaaral ka? Iba ka rin ah."


Natawa lang ako bago ako tumingin kila Rohan. As usual, Erik was looking at his phone, while Rohan seemed strange. Nakatingin siya sa akin na para bang tinatansya niya ang expression sa mukha ko.

"What?" I asked him.

Umiling lang siya at hindi umimik. Okay. Weird.


"Kumain na ba kayong lunch?" Adrian asked.

"Maya-maya na."

"Tara sa cafeteria. Tol, pasunurin mo na lang do'n sila Faye at Alice," biglang sambit ni Rohan.

"Alam mo, susunduin ko na lang sila." Adrian immediately left while Rohan smiled at me.

"Let's go?"


Hindi ako nakapagsalita nang hawakan niya ang kamay ko at hinila na 'ko papunta sa cafeteria. I was stunned at what he did.

"Pasensya ka na pala kung hindi kita napuntahan sa dorm niyo kahapon. I was busy but I sent you a text message yesterday." Binitawan na ni Rohan ang kamay ko upang mabigyan ako ng tray. Then he started ordering food. Katulad nang madalas na ginagawa niya ay kinuha niya ang soup at drinks ko upang siya ang magbuhat no'n.


"Bakit ka pupunta sa room namin?" nagtatakang tanong ko.

Tumingin siya sa akin na para bang mas naguluhan siya sa sinabi ko. But then he let go of it and decided to stay quiet.


Erik was behind us the whole time. Pagkaupo naming tatlo sa usual table namin ay nagulat ako nang asikasuhin ako ni Rohan. Pinunasan niya ng tissue ang kutsara't tinidor ko pagkatapos ay hiniwa niya pa ang steak na ulam ko. Tinanggal niya rin ang plastic ng straw para sa juice ko.

A Royal DisguiseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon