Chapter 26 - Broken

320 12 0
                                    

Chapter 26

Broken


Cordelia's POV


I did my best to pretend as if nothing happened. I woke up early, took a shower, wore a nice dress and went to school. Faye looks worried but I'm glad she hasn't said a word since yesterday. Umiyak ako nang umiyak hanggang sa nakatulog ako.


"Sure ka? Ayaw mong mag-breakfast?" tanong ni Alice sabay alok nang tinapay sa akin habang nanguya siya. I just nodded. Mula kagabi ay hindi pa 'ko kumakain. Wala akong gana. Honestly, I want to punish myself for hurting Rohan.

Wala sa isip kong makipaghiwalay sa kanya. That's the last thing I'd want. Pero ngayong kilala ko na kasi si Castiel, alam kong si Rohan lang din ang mahihirapan kapag dumating 'yung araw na kailangan ko nang magpakasal. Ayokong itali siya sa akin kung hindi ko naman magagawang panindigan siya sa dulo.

He deserves to love someone else, someone who can stay with him forever.


Nakayuko lang ako buong science subject habang nagdi-discuss ang professor namin. I couldn't look at Rohan. Namumuo ang luha sa mga mata ko habang naaalala ang nangyari kahapon. Gusto kong hawakan ang kamay niya at bawiin ang mga nasabi ko pero kailangan kong maging matibay.

When our class ended, Rohan immediately left the room. Sinigawan pa nga siya ni Adrian ngunit hindi niya na ito nilingon pa. Erik followed him and our friends seemed to grow curious on why Rohan acted like that.


"Anong nangyari don? Nagaway ba kayo?" tanong ni Adrian sa'kin.

Umiling lang ako at lumabas na rin ng room. Nandoon na agad si Faye sa pintuan, naghihintay. Alam kong mas lalo niya akong babantayan ngayon lalo na't dumoble ang pagiging tahimik ko. I have never spoken a word since last night.


Rohan didn't sit with us during lunch. Mabuti na rin 'yon dahil sobrang hirap para sa aming dalawa ang magkasama. For the first time, Adrian also didn't join us. Kaming tatlong mga babae lang tuloy ang naiwan.

"Lia, please eat. You're making me worry," Faye pleaded. "Baka bigla kang mahimatay diyan huy."

Alice sighed. "Kahit humigop ka lang ng sopas, basta may ilagay ka sa tiyan mo." She knows about what happened. Syempre nagtanong na siya no'ng nakita niya kong iyak nang iyak kagabi. Faye told her everything.


I nodded and took a sip. Habang naguusap silang dalawa ay nilingon ko ang table nila Rohan. He's sleeping. He folded his arms on the table and buried his face there.

Tila naramdaman niya ang titig ko kaya bigla niyang iniangat ang mukha niya nang kaunti. Natatakpan pa rin ang ilong at bibig niya ng mga balikat niya ngunit ang mga mata niya ay kitang kita ko. He looked at me with pain and anger in his eyes.


Umiwas na 'ko nang tingin at hinarap na uli ang pagkain ko. Tears started building up from my eyes again. Without a word, I stood up and ran outside. I went to the comfort room and locked myself at one of the cubicles, then I allowed myself to be weak again. Iniyak ko lahat ng sakit na nararamdaman ko.


"Lia?" I heard Faye asked but my cries were enough for her to confirm that I'm here.

"Bakit hindi mo sabihin ang totoo kay Rohan? Mas magandang malaman niya 'yon kaysa 'yung pinalabas mong may iba ka na kaya ka nakipag-break," Alice suggested.

A Royal DisguiseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon