Chapter 27
Love
"Mukhang nakaka-move on ka na ha," biro ni Alice sabay yakap sa bewang ko. "Are you really fine?" Ngumiti lang ako at tumango.
Nagagawa ko nang makabalik sa dati kahit ang totoo, ang bigat bigat ng dinadala ko. Na-perfect ko halos lahat ng exams ko at nagawa ko pang mag-top sa recitation sa isang subject namin. Practice went good as well. Kahit na kadalasan sa mga scenes ko ay si Rohan ang kasama ko ay nagagawa ko nang umakting nang maayos.
"OH MY GOSH!"
"HALA!"
"Tara check natin anong meron!" sigaw ni Alice sabay takbo papunta doon sa crowd. Faye pulled me as well to see what was going on. Sabay sabay kaming tatlo na napa-takip ng bibig nang makita namin si Rohan at Dan na nagaaway. Adrian and Erik stopped the two but it looks like they were a little bit late.
Duguin na ang mga labi nung dalawa at mukhang nagkaupakan na.
"Ano bang problema mo?!" Dan shouted.
"Shut the hell up, tarantado!" sigaw pabalik ni Rohan.
"Dre tama na! Tara na!" Adrian and Erik pulled him away. Some students started gossiping about what happened.
"I'll help them to calm down Rohan. First time kong nakita siyang makipagaway," Alice said before running towards the boys. Nagpaiwan naman kami ni Faye upang tulungan si Dan.
"Ayos ka lang ba?" I handed him my handkerchief. Mukhang ang lakas ng pagkakasuntok ni Rohan sa mukha nito.
"Sweet mo naman, Lia." Nagawa pang ngumiti ni Dan habang pinupunasan niya ang dugo.
"Bakit ba kayo nagaway?" Faye asked, handing Dan his backpack that was left on the floor.
"Ewan ko do'n sa sira ulong 'yon. Hindi ko naman talaga sinasadyang mabangga ang balikat niya. Nagsorry naman ako kaso inupakan niya na lang ako bigla. Syempre gumanti ako pero nagulat ako no'ng tinulak niya 'ko dito sa locker. Hindi siya nagsasalita pero kita ko sa mga mata niya na galit na galit siya."
Napahawak na lang ako sa noo ko.
This is my fault. Akala ni Rohan pinagpalit ko siya kay Dan. Of course he'd be mad at this guy. Pakiramdam niya, inagaw ako nito.
"Sorry ha," I said in a low voice.
"Oh, bakit ka nahingi ng pasensya Lia? Hindi naman ikaw ang nanuntok sa'kin. None of this is your fault."
Gustuhin ko mang magpaliwanag ay hindi ko naman magawa sapagkat malalaman niyang may relasyon kami ni Rohan.
"Does the fight have something to do with you?" tanong niya, ang mga mata niya'y titig na titig sa'kin.
"Dan...ano kasi..."
"Lia," Faye suddenly mumbled, tugging on the ends of my shirt to get my attention. Napatingin ako sa kanya ngunit na-distract din agad sa mga estudyanteng nasa likuran niya. "I think they're recording you."
Oh my gosh.
"Sige Dan, mauna na kami. Make sure to treat your cut."
BINABASA MO ANG
A Royal Disguise
RomanceGrowing up as part of the Royal Family makes life harder for Princess Cordelia. Ever since she learned how to speak, she was taught how to behave and act as if the whole country's always looking at her. It suffocates her but she knows the responsibi...