Chapter 28 - Acceptance

415 14 1
                                    

Chapter 28

Acceptance


Lumabas na 'ko ng kwarto ni Rohan pagkatapos ng ilang minuto. I wanted to bad to just stay there and hug him but I forced myself not to. What he heard was already too much for today. Pahihirapan ko lang siya lalo kung ipararamdam ko sa kanyang mahal na mahal ko talaga siya.

Besides, I'm also scared I might change my mind and agree to what he suggested. Baka bigla kong makalimutan lahat ng tama at sumangayon na lang sa gusto niyang tumakbo na kami palayo.


Pagsarado ko ng pintuan ay nakita ko si Angel na naglalakad palapit sa akin. Nagbago kaagad ang expression sa mukha niya nang makita niya ang kamay kong nakahawak sa door knob ng kwarto ni Rohan.

She stopped in front of me and glared. My eyes land on the things she's holding. May dala siyang soup at gamot. She must have heard about the fight and went running to Rohan to take care of him.

Mabuti pala naunahan ko siya. It would be awkward to talk to Rohan if Angel's here.


"Anong ginagawa mo dito?" tanong niya na para bang wala akong karapatang magpunta dito. Some guys at the hallway stared at us.

Hindi na lang ako nagsalita. I don't owe her an explanation.


Naglakad na 'ko at lalagpasan na sana siya ng hawakan niya ang braso ko. I raised an eyebrow but I held my tongue from saying anything rude.

Kung kilala mo lang kung sino ako, hinding-hindi mo 'ko mahahawakan basta basta. I can put you in jail for just touching me without my consent, Angel. Ganyan kahalaga ang salita ng isang prinsesa.


"Hindi na sana ako mangingielam dahil nakita kong umiiwas ka na. You guys seem to part ways these past few days but then you're here again, with my Rohan."

Tinanggal ko ang pagkakahawak niya sa braso siya at hinarap siya.

My Rohan? What the heck?


"Ano bang problema mo?" pagalit na tanong ko na. E 'di lumabas din ang totoo. May pagtingin siya kay Rohan.


"Wala naman akong problema pero ikaw, sigurado akong may poproblemahin ka."

Nagkasalubong ang mga kilay ko.


"You need to go back to your castle, princess."

I froze when she said those words. "A-Ano?"


"Bakit? 'Di ba ikaw ang lead role sa drama act? Prinsesa ka doon 'di ba?" She smirked and even touched my hair. Tinabig ko iyon ngunit hindi siya natinag. "You should practice more, Lia. Pumapalya ang acting skills mo nitong mga nakaraang araw. Nakakasawa na makitang pinagagalitan ka ni direk. Bahala ka, baka bigla matanggal sa'yo ang korona kung pagpapatuloy mo ito." She sounded as if she's making fun of me.

Kahit na inis na inis na ko ay iniwan ko na lang siya. I didn't feel like talking to her because I knew she would just get on my nerves.


Pagbaba sa may hagdanan ay natigilan ako. Bigla akong natakot habang inaalala ang mga sinabi niya.


Why do I feel like she knows about my real identity?

Parang double meaning ang mga binitawan niyang linya. Sana napapraning lang ako dahil delikado kung may nalalaman talaga si Angel tungkol sa totoong pagkatao ko. She might do something that could ruin me or my kingdom.


*****


I wish time would slow down. Sana ang isang minuto ay mayroong libong segundo. Ang bilis kasing lumagpas ng mga araw mula nang magkaroon kami ng closure ni Rohan.

A Royal DisguiseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon