Chapter 15
Distance
Cordelia's POV
I would be lying if I said that I was not disturbed that Rohan remained silent about my text message. Nang magkita kami sa second subject, kahapon ay hindi niya in-open up ang topic na iyon. He didn't even tease me or joke about it. Medyo tahimik pa nga siya at hihikab hikab lang.
Hindi ko maintindihan kung wala lang ba talaga siyang pakielam o 'di kaya, baka hindi siya naniniwala sa akin. Either way, I was not brave enough to tell him again, though.
"Grabe para na 'kong heartbroken dito. Nagluluha na 'ko dahil sa sipon ko!" Kakabalik ko lang sa dormitory room namin at naabutan ko si Faye na nakatalukbong ng kumot, puno ng tissue ang sahig. She skipped classes today because she's sick. Matigas kasi ang ulo niya. Sinabihan ko na siyang pumunta kami sa clinic kahapon pero umayaw siya kaya ang ending, ayan. Lumala pa tuloy lalo ang sipon niya.
We didn't tell the palace about her condition because I'm pretty sure they'll send someone to replace Faye. Ayoko naman syempreng mapalitan ang best friend ko dahil lang sa nagkasakit siya.
"Sana nag-text ka sa'kin. Nakalimutan ko tuloy dumaan sa clinic kanina para humingi ng gamot. Bababa na lang ako at bibili diyan sa drugstore." May mga shop naman kami dito sa campus para sa mga supplies, gamot, at mga pagkain. Hindi nga lang kumpleto kaya kadalasan ay pumupunta pa sa plaza ang mga estudyante.
"Okay, I'll come with you."
"Baliw ka! Naulan ulan oh! Pag ikaw nilagnat at nahawahan mo kami ni Alice, sasabunutan kita."
She pouted. "Are you going to be okay? Grabe, I feel so guilty that I wasn't able to accompany you the whole day."
"Malaki na 'ko Faye. Formality lang naman ang pagkakaroon ng body guard pero hindi ko naman talaga kailangan 'yan."
Binuksan ko ang cabinet ko at natigil nang mapansing wala na pala akong masyadong damit. Magpapalit sana ako ng pangitaas dahil ang lamig ngayon. "I think I'll go to the laundry shop too."
Faye laughed. "Bakit? Wala ka na maisuot?"
"Yeah." First time kong maubusan ng susuotin. "Ipahinga mo 'yan. I'll be back later."
"Wait, can you wash your clothes?" she asked with amused tone.
"I can handle it. Wag mo na 'ko isipin masyado. Ang asikasuhin mo, 'yang sarili mo."
"Okay. Ingat ka."
I grabbed my basket full of dirty clothes and went out of the room. Dahil tag-ulan ngayon, kakaunti lang ang mga estudyanteng pakalat kalat. Most of them are inside their rooms, probably sleeping or just watching series.
Pagbaba ko sa may lobby ay binuksan ko na ang payong at naglakad na 'ko papunta sa laundry shop dito sa loob ng campus. Medyo malakas ang ulan, kaya medyo nagmadali ako para hindi ako gaano mabasa.
Pagdating doon ay napangiti ako dahil ako lang ang tao. Of course, no one will wash their clothes when it's raining. Pero ang pagkakatanda ko naman, sabi sa'kin ni Faye, tuyo na ang mga damit pagtapos labhan dito. May dryer naman daw ang mga washing machines.
BINABASA MO ANG
A Royal Disguise
RomanceGrowing up as part of the Royal Family makes life harder for Princess Cordelia. Ever since she learned how to speak, she was taught how to behave and act as if the whole country's always looking at her. It suffocates her but she knows the responsibi...