#NilokoNaTinanggapPaDin

1.5K 41 15
                                    

Hashtag NilokoNaTinanggapPaDin

Srsly? Hindi naman siguro tayo mawawalan ng isang kaibigan o kakilala man na kahit ilang beses silang niloko at patuloy na niloloko ng mga mahal nila sa buhay ay patuloy pa din nila itong tinatanggap.

Kung ikaw kaya ang lokohin, kapag bumalik ba siya sa tatanggapin mo?

Siguro ang ilan sa atin isasagot "Oo". Bakit? Kasi mahal natin yung tao. Na kahit ilang beses ka pa niyang nasaktan patuloy mo siyang tatanggpin. Pero sagutin mo ang tanong ko, hanggang kelan mo siya tatanggapin? Alam mo, okay lang naman na tanggpin mo siya sa pangalawang pagkakataon because everybody deserves a second chance. Pero sa pangatlong pagkakataon siguro hindi na dapat kasi kaya mo nga siya binigyan ng second chance 'di ba? Para patunayan niya na nag-bago na siya na magba-bago na siya, na na-realize niya na mali ang ginawa niya.

Let me tell you a story. May isa akong kaibigan. May boyfriend siya at sobrang perfect nilang dalawa. Pero kahit pala gaano ka-sweet niyong dalawa dadating din pala sa punto na unti unting nauubos. Pero I think hindi naman mauubos yung sweetness na iyon kung ipagpapatuloy niyong iparamdam sa isa't isa na mahal niyo talaga ang isa't isa. Dumating sa point na na in-love yung boyfriend niya sa ex girlfriend niya for the second time around. Masakit. Ilang weeks din nawala sa sariling mundo niya ang kaibigan ko but after a month nakipag balikan yung boy sa friend ko. Dahil nga mahal ng friend ko yung lalaki, tinanggap niya ulit but after 2 weeks ganon na naman. Ayaw tigilan ng boyfriend niya yung ex niya. Sabi ko sa friend ko :
"You must know your worth. Binigyan mo siya ng second chance? Tama na yun. Ngayon sa pang apat na pakikipag balikan niya sayo huwag mo ng tanggapin. Know why? Dahil dapat dun sa second chance pa lang pinakita na niya na nag bago siya, na mali ang saktan ka. Ano yan? BRB relationship? Na pagkatapos sayo, dun sa ex niya tapos sayo? Wala kang mapapala sa kanya. May mga mas better pa diyan. Yung mamahalin ka ng tapat at totoo."

Tama naman ako di ba? I mean, second chance is enough. Hindi lahat ng tao nabibigyan niyan. Kung binigyan ka ng second chance, you should not waste it. Do not take it for granted. Lahat ng tao napapagod. Lahat ng tao sumusuko. Lahat ng taong niloloko, nagbabago. Walang permanente sa mundo mga hija at hijo. Lahat nag-babago. Oo, lahat. Maaari na mamaya mahal ka niya bukas hindi na. Maaaring mag-bago ang isang tao sa loob ng ilang segundo. Tandaan mo, lahat ng taong nasasaktan, nagbabago. Tapos mang hihinayang ka na sana hindi mo na lang siya niloko? Anong katangahan yan tol? You should treat your girl like a queen and girls vice versa. Okay? Kung tunay na mahal niyo ang isa't isa hindi dadating sa punto na lolokohin niyo ang mga partners niyo. Madaming nag kaka-gusto sa kanila, pero kayo ang napili. Mas madaming BETTER SAYO. Oo , capslock yan para ramdam mo na may BETTER pa sayo. Na hindi ka kawalan dahil may MAS BETTER SAYO. Kaya kung ako sayo, patatagin niyo yung relasayon niyo hindi yung naka-kita ka lang ng magandang legs, maputing mukha at sexy, na naka-kita ka lang ng abs, nang macho at chinito ipagpapalit niyo na ang mga partners niyo. It is not like that. Kaya mo siya niligawan, kaya mo siya sinagot kasi mahal niyo ang isa't isa hindi dahil mag-lolokohan lang kayo at gagawing be-right-back relationship. Okay ? Okay.

#Pumapag-ibigTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon